Ipahinga Mo Muna

Nasaktan ka. Ikaw eh,

Kasi nagtiwala ka nang sobra.

Binigay mo lahat. Ikaw eh,

Hindi mo pinansin

‘Yung mga signs na binigay ng langit.

O ‘yung mga naiisip mo

Sa likod ng isip mong ang alam lang isipin ay kung gaano

At kung paano mo pa siya mas mamahalin,

Mas paglilingkuran

At mas hahayaan na saktan ka

At gawin kang tanga.

Hindi mo pinansin

‘Yung mga nahagip ng iyong tingin.

Binulag mo na ang sarili mo,

hoping na aalalayan ka niya

At siya ang gagawin mong mata

Para ma-reach niyo ang future

Na nauwi lang sa wala.

Inalalayan ka naman niya nung bulag na bulag ka na—

Sa bangin.

Napilay ka.

Muntik ka pa ngang mamatay sa sakit.

Pero sa puso mo, bakit mo kasi siya inukit?

Tuloy, kahit na masakit,

kahit na gula-gulanit,

kahit na punit-punit,

ay pinipilit mo pa ring tahiin

at pinipilit mo pa ring pagdikitin

ang tadhana niyong hindi naman talaga magkatugmang sayawin.

Para lang kayong nag-Cha-Cha

sa tugtog ng Rhumba.

Tama ang galaw ng paa

Sa maling saliw ng musika.

‘Di ba mas mainam kung titigil na?

Kung pipiliin munang ipahinga

Ang puso mong sanay ng mapagod

Kaya hindi mo na namalayang

Sagad na ang lungkot

At nagtitiyaga ka na lang sa kakarampot

Na pagmamahal

Na puwede namang hindi siya magkuripot.

Kasi kung mahal ka…

Kung mahal na mahal ka talaga,

‘Di mo kailangang sabihing bulag ka para alalayan ka niya.

Kusa niyang hahawakan ang kamay mo.

‘Di mo kailangang tahiin ang tadhana nang mag-isa.

Dahil ‘di niya hahayaang mapunit ito mula noong simula.

‘Di mo kailangang sayawin ang maling tugtog.

Dahil isasayaw ka niya sa tahimik na tugtog ng inyong mga puso.

Pagod ka na.

Ipahinga mo muna.

—–

“Ipahinga Mo Muna”

© egjbalais

——-

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s