“Mababaw at mabato ang ilog…”

Minsan kahit inaantok ka na

Ay hindi ka pa rin patutulugin ng mga tanong

Na kahit ang mga bituwin ay nahihirapang sagutin

At pati ang buwan ay sadyang tahimik at nananatiling madilim.

May mga tanong tungkol sa buhay,

kung bakit ganito o ganoon o kung alin ang tama o mali.

At kahit ano’ng pilit mo ay mananatiling nakapinid

Ang pinto papasok sa kalinawan at kasagutan.

Hindi ka makatulog kahit pagod ang isipan

Dahil sadyang walang sagot at kasiguraduhan sa lahat ng nalalaman.

Hindi ka pinakakalma ng katahimikan ng gabi

Kundi mas natataranta ka sa sigawan na nagaganap sa loob ng iyong sarili.

Para sa lahat ng pangarap na hindi natupad,

O sa mga pangakong nanatili na lang nakapako sa balintataw…

Para sa mga tanong na walang sagot,

O sa mga sagot na mukhang imposibleng marating…

Para sa inyo ang gabing ito.

—–

“Mababaw at mabato ang ilog…”

© egjb

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s