Isang Magulong Tula

Lolokohin pa ba kita?

Sa dami ng tula na puwedeng magsabi sa’yo para sa akin

na mahal kita;

Kailangan ko pa bang itago

Sa bulaklak ng salita

Kung puwede namang diretsuhin na lang kita?

Kaya heto na…

Kung ikaw ay bituwin—

ikaw lang ang hindi makinang.

Ikaw ang hindi kumikislap 

pero pilit kong inaaninag.

Kung ikaw ay ulan—

ikaw lang ang hindi pumatak sa akin.

Pero ikaw ang naging dahilan

Kung bakit ako lumabas at nagsaya

Sa ilalim ng lamig ng bawat patak.

Kung ikaw ay halaman—

Ikaw ay damo

Sa gitna ng mga bulaklak.

Hindi ikaw ang pinakamaganda o pinakakaakit-akit

Pero ikaw ang nais hawakan at kuhanin

Dahil ikaw lang ang natatangi.

Kung ikaw ay paninda sa tindahan—

Sa’yo walang gustong bumibili.

Hindi dahil luma ka, laos o hindi maganda;

Kundi dahil hindi ka lang talaga nila kailangan—

Pero ako, kailangan kita;

Mahal ka man o mura.

Unang kita ko pa lang sa’yo,

Hindi na ako napalingon ulit.

Pero pagpikit ko pagsapit ng gabi,

Ikaw ang nakikita ko sa guni-guni.

Aaminin ko na…

Hindi naman talaga ikaw ang “pinaka”

Sa ganda, talino, kisig o postura,

Sigurado ako talo ka ng iba.

Pero sa akin, sapat ka na.

Sobra pa nga.

Para sa akin

Ikaw ang pinakamahalaga.

Lolokohin pa ba kita?

Sa dami ng tula na puwedeng magsabi sa’yo para sa akin

na mahal kita;

Kailangan ko pa bang itago

Sa bulaklak ng salita

Kung puwede namang diretsuhin na lang kita?
————

“Isang magulong tula”

ni Evangeline Grace

Para sa inyo. Unang tula pagkatapos ng mahaba-habang pagtulog ng sining. Hehe. 


❤️❤️❤️

Advertisements

6 Comments

      1. Gumagawa din po kase ako ng tula ehh hehehe salamat . May tatlong na post na ako dito bka gusto nyo din mag basa thankyou ppo 😊

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s