Guilty

Kanina habang nakatayo ako sa tapat ng karinderyang binilhan ko ng pagkain, dumaan ‘yung lalaking palaging nanghihingi ng barya. Medyo gumilid ako kasi alam ko nang manghihingi na naman siya ng pera. Walang pagkakataong nakita niya ako na hindi siya nanghingi ng barya. Iniisip ko pa nga, medyo may problema siguro siya sa pag-iisip dahil marumi siya. Mabaho. Tipikal na itsura ng mga namamalimos.

 

Kaya dahil expected ko na ang mangyayari, gumilid ako para pagbigyan siya sa daan. Alam kong kakalabitin niya ako para manghingi ng pera eh.

 

Pero nilagpasan niya lang ako. Tapos nakita ko siyang tumitingin-tingin ng ulam sa karinderya. Nung napili na niya ‘yung pritong isda, tinanong niya kung magkano pati ‘yung kanin.

 

Tapos…

 

Nagbayad siya.

 

Paglakad niya ulit pabalik sa puwesto ko, hinihintay ko ulit na manghingi siya ng pera kagaya nang ginagawa niya: “May lima ka riyan? Bibili lang ako ng kanin.

 

Pero hindi niya ginawa.

 

Ngumiti lang siya sa’kin tapos nakataas ‘yung supot na may lamang kanin at isda. Narinig ko pang sabi niya, “Nakabili na ‘ko, oh.”

 

Tapos nilagpasan niya lang ulit ako habang ang saya-saya niyang may umagahan na siya,

 

Hindi siya nanghingi ng barya.

 

Maluha-luha pa ako. Kasi totoo naman palang pagkain ang bibilhin niya nung mga panahong nanghihingi siya ng pera. Pero hindi ako nagbibigay kahit lima.

 

Well… Guilty ako. Pasensya na talaga. Hindi ako proud sa ginawa kong panghuhusga.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s