Para sa pag-ibig kong wala na:

Kamay na lang ang kaya kong igalaw

Para kumaway at mamaalam

Sa’yo.

Mata na lang ang kayang sumunod

Sa papalayong distansya mo

Sa kung ano ang mayro’n tayo

Noon.

Luha na lang ang kayang ibigay

Sa lahat ng pinagsamahan

Nating dalawa

Sa kahapong kasama pa kita.

Ngiti na lang ang kayang gawin

Para itago ang sakit;

Para mukhang tama ang mali;

Para okay lang kahit hindi.

Umalis tayo sa pinagdugtungan

Sa huling pinagtagpuan

Naglakad nang magkatalikuran

Palayo sa habang buhay na kakatapos lang…

Pero lumingon ako sa nilalakaran mo.

Dahil umalis kang

Dala rin ang puso ko.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s