Dear Self

Dear Self,

Lately napapansin kong naiinggit ka sa mga kaibigan mo o kakilala na ikakasal na. Alam kong nangangarap ka din kagaya nila. Sinasabi mo lang sa sarili mo na kaya mong tumandang mag-isa pero alam kong mas magiging masaya ka kung may kasama ka.

Nanghihinayang ka sa mga pinakawalan mong pagkakataon sa mga taon at taong nagdaan sa buhay mo. Iniisip mo na siguro kung sinagot mo si ganito o si ganyan, ikinasal na rin kayo.

Naiintindihan kita. Tatlo sa mga nanligaw sa’yo noong mga panahong nagmu-move on ka pa lang sa pers boypren mo, dalawa ang ikinasal na this year at yung isa naman, naka-schedule na rin—this year din.

Grabe, ‘no? Isipin mo, kung isa sa kanila ang sinagot mo, baka kinasal o naka-schedule ka na rin ngayon.

Pero puwede ring hindi. ‘Di ba? Tingin ko lang, ha? Dapat siguro ipagpasalamat mo kay Lord na hindi mo sila sinagot. Dahil hindi ka naging hadlang para mas maaga nilang makilala ‘yung taong para naman talaga sa kanila. ‘Di ba? Kasi sabi mo noon, naniniwala kang may mga taong mamahalin mo at mamahalin ka pero hindi nakatakdang manatili sa buhay mo panghabang buhay. Tama lang ang ginawa mo.

Alam ko rin namang noong panahong nililigawan ka nila, hindi ka pa rin handa. Alam kong ayaw mo silang masaktan. Kasi sigurado ako na masasaktan lang sila kung pinilit mong pagbigyan sila kahit hindi ka handa.

Good job ka sa parte na ‘yon.

Kaya ‘wag ka ring mag-alala. May naghihintay na magandang regalo ang tadhana para sa’yo. Hindi mo pa siguro nakikilala sa ngayon ang taong ito o baka kilala mo na, hindi niyo pa lang nare-realize na kayo pala. Or baka kayo na pero hindi pa lang kayo nagkikita sa personal. Hihi. Exciting ‘di ba?

Basta. Masaya ako para sa lahat ng kinahinatnan ng mga desisyon mo noon. At kagaya mo, maghihintay lang din ako hanggang sa dumating na siya…

Ang taong dahilan kung bakit wala kang piniling iba.

Nagmamahal,
Linya

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s