Social Workers… Ano daw?!

Yes! It’s the time of the year kung saan naglipana na naman ang mga taong nag-co-congratulate sa mga bagong lawyers, engineers, civil service passers, doctors at iba pang propesyon na talaga namang sikat na sikat! Congratulations sa inyo!

Ngunit higit sa lahat, ang post ko ay nakalaan para sa lahat ng social workers na nakapasa na sa board exams mula pa noong una hanggang last 2015. Bihira lang kasi ang nag-co-congratulate sa atin kaya self-support tayo dito! Hahaha!

Bakit ba hanggang 2015 lang? Para sa mga visitors ng aking buhay, ang Social Work Licensure Exam ay na-postponed last 2016 dahil nagkulang ang Board of Examineers. At finally, this 2017 ay matutuloy na ang exam na hinihintay ng lahat.


What? May board exam ang social work eh nagrerepack lang naman kayo ng relief goods!

Common notation sa amin bilang social workers ang pagre-repack ng relief goods at ‘nangunguha’ ng mga bata. Nyahahaha. Kami raw ay nangunguha ng bata. My god! Hindi po kami nangunguha ng bata. Bigyan natin ito ng linaw.

Mula sa perspective namin sa Disaster-driven organization (o ‘yung mga NGO na tumutugon tuwing may disaster), hindi social workers ang nag-re-repack ng goods. Sila ay mga volunteers galing sa iba’t ibang larangan. May artista, estudyante, tambay at kung anu-ano pa na gustong makatulong sa nasalanta sa paraang kaya nila. Nasaan ang mga social workers? Kami ay nasa opisina at nakikipag-coordinate sa mga lugar na nasalanta, nagtatanong pa kung anong kailangan like psychosocial activities for children, stress management ng mga survivor, camp management sa loob ng evacuation site at iba pa. Although, sa DSWD naman, monitoring ng evacuation centers ang ginagawa ng ilan sa mga social workers.

Nangunguha daw kami ng mga bata. Unang-una, kami ay bihasa sa batas na nangangalaga sa karapatan ng bata. Hahahaha. At ang ‘pagkuha’ sa mga bata nang walang sapat na dahilan ay maaaring magresulta sa kidnapping o pagkawala ng aming lisensya. Kapag abusive ang pamilya sa bata at kapag wala na siyang ibang kamag-anak na maaaring mag-alaga sa kanya, siya ay ni-re-RESCUE at dinadala sa mga temporary shelters o residential care facilities for children. Kaya please lang, ayaw naming katakutan kami ng mga bata dahil we are one of their protectors. Please don’t scare them using these lines:

“‘Wag kang malikot. Ibibigay kita sa DSWD!”

“Ano? Gusto mo ipakuha kita sa DSWD? Nangunguha ng mga bata yun!”

“Pakitawagan nga ang DSWD. May ipapasundo akong bata!”


I hope, nalinawan kayo na hindi lang kami nagre-repack. May proseso ang aming ginagawa at buhay din ng mga tao ang aming pinapakialaman kaya kailangang masiguro na may kakayahan ang isang social worker. That is why, may board exam. That is why, may lisensya.

Next.


What? Kaya rin naman naming maging social worker kahit di kami mag-aral ng Bachelor of Science in Social Work! Ang dali-dali. 

Yes, of course. Innate sa tao ang pagiging matulungin. Ngunit ang paggawa nito at pag-assess ng situwasyon sa tamang proseso ay ibang usapan na. Kagaya ng engineers na dapat tama ang pagkalkula sa isang ginagawang gusali, o teachers na dapat tama ang pagtuturo at paraan ng pagtuturo, ganoon din ang social workers. May kanya-kanya tayong field.

May isa akong nakausap na naghahanap ng trabaho. Ikuwento ko raw sa kanya kung ano ba ang social worker at bakit sa mga job ads ay hinahanapan ng lisensya eh kaya naman daw niyang ma-train as social worker kahit education talaga ang tinapos niya.

Ayokong makipag-away. Kasi ako, malinaw sa isip ko na may kaya kaming gawin na hindi kaya ng mga taong hindi pinag-aralan nang masinsinan ang BSSW. AT ganun din sa iba. May kaya kayong gawin na hindi namin magagawa dahil hindi iyon ang aming field of expertise.

So ayun na nga. Isinulat ko talaga ito para sa mga kapwa ko Social Worker na magte-take ng exam sa July 2017. Sabi ko nga sa mga kakilala ko na magte-take pa lang ng board… ‘wag kayong mag-expect na may babati sa inyo kapag nakapasa kayo kasi hindi naman nila alam ‘yung Social Work. Hahahaha. Imbes na i-congrats ka, mako-confuse pa sila at mag-e-explain ka pa kung ano ang Social Work. ‘Wag din mag-expect na maibabalita ito sa TV at mainstream media. Dahil isa ang Social Work Licensure Exam sa board exams on Earth na hindi naman talaga interesado ang media gaya ng exams for Marines, Physical Therapists, Psychologists and other na hindi rin sikat. Hahahaha!

Anyway, kung walang babati sa inyo, ako babatiin ko na kayo ngayon pa lang. Galingan ninyo! Ang mundo ay naghihintay na sa mga bagay na mai-co-contribute niyo pa lalo kapag mayroon na kayong lisensya.

Mabuhay tayo! At paulit-ulit, CONGRATS NA SA INYO! ❤️

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s