May Isang Halimaw na ang Pangala’y TAO

Wala ka bang napapansin

Sa ating mga kapaligiran?

Umuubo na ang hangin

At nangingitim naman ang tubig natin

Umiiyak ang mga punong hati

Puting dagta ang dugo ng puting pighati

Kalbo ang bundok na dati’y may sukal pa

Anit niya’y tuyong lupa at tuyot na pag-asa

May mga lupang ‘di dapat binubutas

Pero hukay nang hukay,

Ililibing na ang kalikasang wala nang buhay.

Sino ang tumatawa?

Hayun, ang mga niluklok

Na may pansariling diyos

Na ang gusto lang ay ginhawa

Kahit pa masira ang lupang kinatatayuan niya

Sino ang tumatawa?

Hayun, ang nga niluklok

Na basta may mailalaman sa bulsa

Na basta may makulda galing sa maralita

Kahit ubos na ang kalikasan ay pipilitin pa ring makapiga

Sa palagay ko, hindi sila dapat tinatawag na BUWAYA.

Dahil ang buwaya ay parte ng kalikasang pinapatay nila.

Dahil ang buwaya ay mas mataas pa kaysa sa kanila.

Nakakahiyang maging TAO.

Na kabilang sa mga tunay na halimaw ng mundo. 

——-

MAY ISANG HALIMAW NA ANG PANGALA’Y TAO
ni Evangeline Grace
19 May 2017

——-

BECAUSE of recent violation in our environment, me, being a self-proclaimed Lorax, will express myself in any way possible to fight for the trees and kalikasan in general. 👿

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s