Cleanliness, a National Priority

I have just read the article posted by the Inquirer about the cleanliness in the Philippines and how Singapore and Japan made it to be the cleanest countries in Asia. And here are my thoughts since I am a self-proclaimed Lorax, “…and I speak for the trees!”

Cleanliness is a thing every individual should learn and it must come within the person. It must be in his or her values and principles in life. I must say, that cleanliness for me is a life skill. Because if it isn’t part of our foundation as a human being, even if it is a policy that requires fines for every violation, anytime there is no one looking, we might still litter trash anywhere. 

To think na dapat iasa ito sa mga Pantawid beneficiaries (4Ps) ay isang malaking kalokohan kagaya ng mga comments sa link sa mismong article ng inquirer. Hindi por que nakakatanggap sila ng benepisyo sa gobyerno ay sila lang ang gagawa ng paglilinis. Lahat ng class ng society ay dapat may prinsipyo ng pagiging responsable sa sariling dumi at kalinisan. We want to be clean but won’t get our hands dirty or to let others do the dirty job is also hypocrite. Hindi por que binabayaran ang janitors at utility personnel, dapat sila lang ang may esensya ng kalinisan. 

Responsable din dapat. Kagaya ng pagre-reduce ng kalat, hangga’t maaari. Ang ‘strawless‘ restaurants ay isang halimbawa ng paraan ng pagbabawas ng kalat. Pati ang mga no plastic policy sa bawat cities. Pero however promising it may seem, I find it very ironic dahil kung sino ang cities na may ‘no plastic policy’ ay kadalasang sila ring may mga pabrika ng plastic. At kung sino ang mga siyudad o probinsya na ito, sila ang malaki ang kontribusyon sa kalat at polusyon. Kumbaga, band aid solution lang ang mga simpleng polisiya na ito at hindi naman talaga tinatarget na mapagaling ang sugat ng kalikasan. 

Isa pang nakakadagdag sa polusyon ay ang mga kaibigan mong pina-plastic ka lang. Mga kalat sila na kailangan mo nang ibaon sa lupa at ipagdasal na sana ma-decompose din sila overtime. Hahahahahaha! Segue lang. 

Sa SM North, kapansin-pansin ang kawalan (o dahil kakaunti) ng mga trash cans. Noong una, naiinis ako kasi wala akong mapagtapunan ng basura ko especially mahilig akong kumain habang naglalakad. But I realized na siguro ang rationale behind, bukod sa maaaring threat ang trash cans for bombs, ine-encourage nito ang pagiging responsable ng isang tao sa sarili niyang basura. 

Well, in the end, talaga ngang dapat gawin siyang national priority. May mga batas naman na para sa kalinisan pero mas maigi at mas relihiyosong pagpapatupad pa ang kailangan para talagang matutong maging malinis ang bawat isa. 

————-

Ikaw, what are your thoughts about our current cleanliness scheme in the country? Natutuwa ka ba? Nalulungkot? Naiinis? Share mo naman. Usap tayo. Gusto mo bang yumaman? Hahahaha char!

Advertisements

6 Comments

  1. Agreed! But there are deeper issues underlying this one, and at the end of the day, it’s difficult to change the mindset of people who don’t want to change. Nag-aagree ako na dapat talaga gawing priority ang paglinis ng Pilipinas, lalo na ang Metro Manila. Lahat ng sektor ng bayan, para sa akin, ay uulad kung aalagaan natin ang kalikasan. Pero una, ang hirap talaga ng trash segregation dito sa Pilipinas, lalo na sa mga probinsiya kung saan halos walang tamang SWM. Pangalawa, hindi talaga prioridad ng mga Pilipino ang kalikasan, at mahirap ding sisihan ang mga walang paki dito dahil unang una, pag mahirap ka hindi talaga ito magiging prioridad dahil kadalasan, ang mas maganda para sa kalikasan ay mas mahal din (kaya mas madali talagang gamitin mga fossil fuels kesa sa renewable energy dahil medyo kailangan naman talaga natin magindustrialize at mas mabilis nating magagawa ito kapag fossil fuels ang gagamitin kahit na alam natin na magdudusa tayo dito sa kinabukasan). Nagagalit lang talaga ako sa mga taong may edukasyon at may kaya. Alam nila ang tama, alam nila kung ano sa mga ginagawa nila ay nakasisira sa kalikasan, at may kaya silang bumili ng reusable, kayang magsuporta sa mga maliliit na negosyo na sustainable at locally sourced, pero kadalasan kahit plastic straw di nila pwedeng hindi gamitin. Nagbabago naman tayo. Nagiging uso na ang mga anti-single use straw campaigns, pero ang bagal pa rin ng pag-unlad dito baka kailangan pa nating sirain ng husto ang kalikasan bago tayo magbabago. 😦

    1. Agree din po ako sa inyo. May picture na kumakalat sa internet before, babaeng may hawak na banner “We cannot eat money.” Hahahah as irrelevant as may look, tingin ko hanggat di narerealize ng nakakarami na limitado yung resources natin (ng kalikasan), people will continue to abuse it and do nothing to reduce wastes. Napakahirap.

    2. Unfortunately, hindi nga po masyadong prioridad ng gobyerno ang kalinisan at kalikasan ayon na rin sa ilang reports ng EcoWaste Coalition at ibang environmental groups sa bansa. Kita din natin ito sa pagkaka-reject kay Gina Lopez. Mabuti na nga lang at mayroong zero waste community na sa bansa. Hindi pa ito gaanong malaki pero mabuti’t nariyan sila. So hindi man national issue ang kalinisan sa ngayon, nakakatuwang malaman na may mga indibidwal na gumagawa at naghahanap ng solusyon sa sarili nilang kakayanan. Kung siguro ay mabigyan lang ng media coverage ang zero waste sa Pilipinas (gaya sa ibang bansa), mas maraming maeengganyo na gawin din ito. Sa instagram sila mas visible thru @zerowasteph (not associated with my blog, tho), @zerowastehub, at @plasticsolutionph. 😊

    3. Unfortunately, hindi nga po masyadong prioridad ng gobyerno ang kalinisan at kalikasan ayon na rin sa ilang reports ng EcoWaste Coalition at ibang environmental groups sa bansa. Kita din natin ito sa pagkaka-reject kay Gina Lopez. Mabuti na nga lang at mayroong zero waste community na sa bansa. Hindi pa ito gaanong malaki pero mabuti’t nariyan sila. So hindi man national issue ang kalinisan sa ngayon, nakakatuwang malaman na may mga indibidwal na gumagawa at naghahanap ng solusyon sa sarili nilang kakayanan. Kung siguro ay mabigyan lang ng media coverage ang zero waste sa Pilipinas (gaya sa ibang bansa), mas maraming maeengganyo na gawin din ito. Sa instagram sila mas visible thru @zerowasteph (not associated with my blog, tho), @zerowastehub, at @plasticsolutionph. 🙂

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s