Ikaw ay Isang Bahaghari

This poem was also posted and featured by Outrage Magazine — a website advocating for LGBTQIA rights.


Ikaw ay isang bahaghari.

Hindi sinasabi rito

Kung ano ang nasa pagitan

Ng iyong mga hita

O kung gaano katangkad

O kaliit ang umbok

Sa iyong dibdib.

Hindi hinuhusgahan

Kung tinutubuan ka ng buhok—

Ng bigote o balbas

O kung malago ang nasa binti

At nakatago sa kilikili

Walang panghuhusga sa kung ano’ng mayroon ka.

Hindi ka pipigilan

Kung ang gusto mo ay mag pantalon

O kung mas gusto mo ang palda,

Ang maluluwang na damit

O ang masisikip na nagpapakita pa lalo

Sa hubog ng iyong katawan.

Hindi nito tinutukoy

Kung ipinanganak kang may tatak ng mga kulay:

Kung dapat ay bughaw ka lang

O kung dapat ay kulay rosas ka lang.

Walang sa’yo ay maaaring tumukoy

Pagkat ikaw ay isang bahaghari.

Hindi ka lang bughaw

O kulay rosas

O puti o itim.

Hindi kailanman dapat limitahan

Ng iba o ng mismong iyong tahanan

Ang kaya mong gawin.

Isa kang bahaghari.

Puwede kang maging kahit ano

O kahit sino na iyong gustuhin.

Tinatakan ka bilang bughaw,

Pero maaari kang mamuhay at gumalaw

Sa kahit anong kulay

Na gusto mong abutin.

Puwede kang maging kahit ano

O kahit sino na iyong gustuhin.

Tinatakan ka bilang kulay rosas,

Pero maaari kang mamuhay at gumalaw

Sa kahit anong kulay

Na gusto mong marating.

Ikaw ay isang bahaghari.

Huwag kang palilimita

Sa iisang kulay o dadalawa.

Maaari kang maging pula,

kahel, dilaw, o berde

Puwede kang maging bughaw,

Indigo o lila

Kung kulang pa para sa’yo

Ang pitong kulay sa harap mo,

Paghalu-haluin natin

Ang pula sa indigo

O ang berde sa kahel

Huwag kang palilimita

Dahil hindi iisa ang kulay

Na maaari mong pagpilian.

Kung pinagtatawanan ka ng mundo

Dahil hindi ka lang basta bughaw at kulay rosas,

Itaas mo lang ang iyong noo…

Dahil lahat ng bahaghari

Ay matatagpuan sa langit.


“IKAW AY ISANG BAHAGHARI”

ni Evangeline Grace
——-

Ikalawang tula para sa #BahaghariChronicles2017 — koleksyon ng tula na tumutukoy sa iba’t ibang mukha ng bahaghari.
Para mabasa ang unang tula, i-search lamang ang hashtag 🔝 at hanapin ang tulang may pamagat na “PITONG KULAY”.

Advertisements

2 Comments

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s