Pitong Kulay

Kahit saan makarating,

ikaw ang laging dahilan

ng pagsabog nang ganda

sa bukang liwayway

O nang malakas na kulog

na kayang yumanig

nang natutulog kong daigdig.

Sa bawat pagpatak ng ulan

katumbas ng lahat ng luha

na dapat ay hindi iniyakan

ay may pitong kulay

na papawi sa lahat ng masakit na dahilan.

Pula para sa lahat ng galit

na dapat pakawalan ng damdamin.

Kahel para sa pagtanggap

na tapos na dapat ang paghihirap.

Dilaw para sa pagsalubong

sa bagong pagsikat ng araw.

Berde para sa namumuong pag-asa

na hindi kailanman mananatili sa lungkot.

Bughaw para sa kapayapaan

na dapat makaroon ka sa iyong sarili.

Indigo para sa lungkot

na gagamitin mong lakas sa susunod mong pagbangon.

At ang pinakahuli

ay Lila para sa iyong lakas

na susubok muli—

Kahit pa may panibagong ulan

At bagyo

Na maaaaring gumuho na naman

sa’yo.

Hintayin mo lang

ang pitong kulay

tuwing akala mo’y

puro itim na lang.

“PITONG KULAY”

ni Evangeline Grace 
——

Ito ang unang tula para sa

#BahaghariChronicles2017 — isang koleksyon na may sampung tulang tutukoy sa iba’t ibang mukha ng isang Bahaghari. ❤️

Advertisements

2 Comments

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s