Dalawampu’t Limang Taon

Sa buhay ko ngayon, masasabi ko na unti-unti nang nawawalan ng masayang kahulugan ang pagdating ng birthday ko. Normal lang. Nadadagdagan ang bilang ng edad. Ganern. Kasi ngayong 25 na ako, parang nag-sink in na sa akin ‘yong realidad na nasa harapan ko. Ito na ‘yon. Bawal na maglaro sa buhay. Kailangan na mag-ipon. Hahahaha. Syeeeeet!

But then…

Looking back at the previous years, may panahon na ako mismo ang bumibili ng sarili kong birthday cake tuwing April 19… Square mocha cake na bitbit ko habang nakaangkas sa single na motor at umuulan. Hahaha. 

Pagdating ko sa bahay, brown out, baha at madilim sa amin. Ang cake ko ay hindi na mukhang cake. May sopas na masarap na inihanda ang family ko that time.

Madilim. Malakas ang ulan at hangin. Kinantahan ako ng happy birthday song. Pinagsaluhan namin ang cake na hindi na cake at sopas. But I was happy. Hindi ko mailarawan kung bakit ako masaya. 

Fast forward sa iba pang birthday ko. Hindi sila ganoong ka-espesyal. Walang ganap. Walang handa. Walang-wala. Actually, ‘di ko na maalala ‘yong ilan. 

Tatlong birthdays ko na lang ‘yong talagang naaalala ko. 


18th birthday (2010)

Dahil ayaw ko ng mga 18 roses echuvas, ang pagdadalaga ko ay naging simpleng family and friends outing. Mas masaya ‘yong ganun para sa akin. Walang stress sa paghahanda. Walang gown na maraming laces at makati sa balat. Walang iimbitahing marami. Tipid. Hahahaha. It was a memorable one dahil ginanap ito sa Villa Elena Family Resort sa Muñoz, Nueva Ecija. It’s a resort owned by my aunts at pribado para sa kahit anong okasyon kaya naman kahit pica-pica lang ang handa ay naging masaya ako. 


23rd birthday (2015)


At Ilocos Norte with PRC Ilocos Norte Team. ❤️
At Vigan, Ilocos Sur with volunteers from PRC Ilocos Sur Chapter
Birthday cake from PRC Ilocos Sur ❤️


Due to my previous work, it was my choice to celebrate my birthday nang nagtatrabaho. Nagbigay ako ng Training noon sa Philippine Red Cross Ilocos Sur Chapter (Vigan) at Ilocos Norte Chapter (Laoag) nang mag-isa. And it was my birthday week at naabutan ako sa Vigan ng mismong araw ko. Last day of training din doon kaya nag-accept na ako ng friend requests from the participants. Ayun! Nalaman nilang birthday ko. Binigyan nila ko ng cake at inilibot sa Vigan. 

Extended din ang birthday ko sa Laoag dahil after training ay inilibot din ako ng mga mababait na staff around Ilocos Norte. Huhu. Amazing people!


24th birthday (2016)



At Kamala Beach, Phuket, Thailand with my pretty sister. ❤️


On my exact birthday ay bumiyahe ako papuntang Phuket, Thailand to spend my special day with my sister at para na din magbakasyon from work. May nakasabay akong kumain ng lunch noong naghihintay ako ng flight to Phuket sa Kuala Lumpur. Filipino din siya from Davao at siya ang nag-picture sa akin while eating ramen. Hahaha. 

And now…


25th birthday (2017)



Birthday surprise by Team Kachubong. ❤️

As usual. Kailangang magtrabaho kahit birthday. May training kami sa Angeles, Pampanga and my friends from work surprised me with balloons, cake and pizza. Hahaha. Pero higit sa lahat, touched ako sa mga messages na natanggap ko sa Facebook. One friend even made a poem for me, deviating from the ordinary “happy birthday”. Na-touch ako kasi unknowingly, I have touched lives of others pala kahit sandali lang kami nagkita o nagkasama. 

Right now, sa pagtatapos ng sulating ito, I realized one thing — that birthdays are the perfect time to appreciate yourself and all the things you have done and contributed to others lives. Kasi makikita mo naman ang nangyayari sa buhay mo sa pamamagitan ng mga taong nakakasalamuha mo. At kung tumatak ka sa buhay nila sa maikling panahon, maybe you have done something memorable to them, right? And it must be good, right? Hihi. 

HAPPY 25th BIRTHDAY TO ME! ❤️

Advertisements

6 Comments

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s