Alimuom

Ikaw ay ulan

Na masaganang bumubuhos

Sa nag-iinit kong kaluluwa

Kinakalma ang nagbabagang pagsinta

Pinalalamig ang nagwawalang diwa

Sa pagpatak mo

Ay siyang pagkawala ng usok

Na nagpapaalala ng masakit

Na nakaraan

Nagpapalaya sa damdaming nakulong na lang sa panahong nagdaan

Lumaya ang ‘di mabilang na hinagpis

Naibsan ang init na matagal nang naging hawla

Ng damdaming gusto nang bumangon

Noong nanlamig ang dati kong pag-ibig

Ikaw ay ulan

Na nagpalaya sa akin sa init

Kinalma mo ang pusong naging maligalig

Sa paghalo ng lahat ng sakit 

Sa usok na dala ng dating masakit,

Ikaw ang nagparamdam 

Na sa pag-ibig, di dapat nakakaramdam ng galit

Ikaw ang ulan

Na nagpalaya sa akin.
———-

30 Marso 2017

9:57 ng umaga

Ni Evangeline Grace

———-

Image used was from http://il3.picdn.net/shutterstock/videos/14069081/thumb/1.jpg?i10c=img.resize(height:160)

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s