Gaano Kahirap ang mga Pilipino?

Gaano kahirap ang mga Pilipino?

‘Yong tipong ang kabaong na pinaglalamayan ay nakaburol lang sa tabi ng daan

Kasi yung bahay, wala na ngang space para sa mga buhay

Isisiksik mo pa ba ang patay?

Gaano kahirap ang mga Pilipino?

‘Yong tipong pampalibing, ide-delay pa ng ilang linggo

Kasi iniipon pa sa pasugalan ang pambayad sa serbis ng punerarya

At sa lupang paglilibingan nito.

Gaano kahirap ang mga Pilipino?

‘Yong tipong kahit ‘di marangal na trabaho, papatusin na

Para lang may maiuwing bigas at ulam sa pamilya

Sasabihin na “Huwag kayong mag-alala. Maayos naman ang trabaho ko, mga anak.”

Pero bukas makalawa, hindi na siya masisilayan pa ng buong mag-anak.

Hanggang sa ibuburol ang bangkay niya sa gilid ng daan

At gagawing sugalan ng naulilang asawa ang lamayan

Para mapunan ang mga utang at kailangan pang bayaran

Para lang makamit ang kapayapaan sa kamatayan.

Pero ang pinakamalungkot sa lahat

Ay dahil mahirap ang mga Pilipino

Kaya iba’t iba man ang panahon,

Maiba man ang henerasyon,

Malaki ang posibilidad na ang anak ng anak ng anak ng anak ng anak niya

Ay matulad pa rin sa pinagdaanan niya.

——-

“Mahirap”

ni Evangeline Grace

7 Marso 2017

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s