Most commonly asked question: Bakit ka nagpa-tattoo?!

I have tattoos on my left hand fingers. Lahat ng daliri ko sa kaliwang kamay ay may tattoos like Vice Ganda but the designs are NOT the same. The featured picture above are the designs inked on my fingers. Pero bago ang lahat, sasagutin ko muna ang tanong ng marami: BAKIT KA NAGPA-TATTOO?! (Pleasse take note of the ALL CAPS and ?! at the end.)

Mabilis manghusga ang mga tao. Makita lang nila na may muta ka, sasabihing hindi ka naligo. Makita lang nila na hindi nagupitan ang kuko mo, sasabihin na nilang dugyot ka at hindi mo alam ang proper hygiene. Sa tingin ko, tattooed people are the most understanding people on Earth. Well, not all but at least most of us. Dahil kami ang isa sa mga tipo ng tao na mabilis ma-judge. Lalo na dito sa Pilipinas kung saan napaka-konserbatibo ng mga matatanda at ilang relihiyon.

Hindi ko balak awayin ang mga matatanda at mga may paninindigan sa kanilang relihiyon. Ilang beses na ba akong nahusgahan ng mga kapwa ko Katoliko? Ilang beses na ba akong nahusgahan ng kapwa ko Social Worker? At ilang beses na akong nahusgahan ng mga taong naniniwala kay Lord in general? Hindi ko na mabilang.

d552ff38a1e803e1ded45e8a2598285f

Naniniwala ako sa quote above. Yes. Karamihan ng taong nanghusga sa akin ay galing sa simbahang Katoliko at miyembro ng Christian churches. Ilang beses na ring nasabi sa akin ang isang Bible verse na ang aking katawan ay templo ng Diyos kaya dapat ay hindi ko ito sinisira. Or ito:

ye-shall-not-make-any-cuttings-in-your-flesh-for-the-dead-nor-print-any-marks-upon-you-i-am-the-lord-leviticus-19-28

Hindi po ako galit sa mga taong nanghusga sa akin at manghuhusga pa. People judge because they do not understand. They judge because they are not me. Naiintindihan ko po kayo. I am just 24 years old and I know, hindi pa tapos ang panghuhusgang matatanggap ko galing sa mga tao. Keep it coming, people. I love myself.

Isang karanasan ang sobrang nakasakit sa akin. Iyon din ang araw na sinabi ko sa sarili ko na: “Hindi lahat ay kagaya ng mga magulang ko na tatanggapin ako kahit mayroon akong tattoo.” Sabi nga ni Gloc 9, wala siyang pananagutan sa iba. May pananagutan lang siya sa anak niya kaya sa anak niya lang siya dapat magpapaliwanag. Ako rin. Wala akong pananagutan sa iba. Sa inyo. May pananagutan lang ako sa mga magulang ko at sa Diyos. Na alam kong hindi pa man ako humihingi ng tawad, napatawad na ako.

Nasa Tagaytay kami noon. Bago pa lang ang tattoo ko noon kaya matingkad pa ang kulay niya. At habang nasa jeep ako, may isang matandang lalaki, mga edad 40’s to 50’s na tinitingnan ako at nang makita niyang nakatingin na ako sa kanya, he looked at my hand and mouthed “Yuck! Kadiri!” He said that without a sound. His eyes were mocking me. At nanlumo ako. My parents, when they found out na may tattoo ako, nagalit lang sila ng kaunti. But that was it. Hindi nila ako hinusgahan. Siguro nga dahil mga magulang ko sila.

People might say na masamang tao ang mga magulang ko o ako. Hahahahah! Absurd. My mom is a catechist, the pastoral president of our parish, and she studies the Bible and leader/member of several Catholic groups. My dad is a lay minister. I am a member of youth. I also served as the church organist and choir leader. Wala kayong karapatang sabihing wala kaming Diyos. Charot! Hahahaha. Ang sinasabi ko lang, hindi sa tattoo masusukat ang kabutihan ng isang tao. Period. Which leads me to the first question…


BAKIT NGA BA AKO NAGPA-TATTOO?

Nagpa-tattoo ako right after I graduate and after securing my first job with the Department of Social Welfare and Development. It was June 23, 2012. Tandang-tanda ko pa na bigla ko na lang niyaya ang kuya ko na samahan akong magpa-tattoo.

Hindi siya biglaan. Actually, estudyente pa lang ako, lagi ko nang dino-drawing-an ang mga daliri ko ng mga signs na gusto kong ipa-tattoo kapag nasa legal na edad na ako.

Kung meron mang poor sa akin, iyon ay ang memory ko. Introduce your name to me and after ten minutes of talking with me, hindi ko na natatandaan ang pangalan mo. I mean, hindi siya dementia pero makakalimutin ako sa mga impormasyong mabilis ko lang nalaman o ‘yong mga hindi ko talaga napagtuunan ng pansin. Kaya naman madalas akong sumusulat ng notes sa palad ko noon (dahil wala pa akong cellphone). Ang mga dapat bilhin sa grocery, sa palad ko nakasulat. Sometimes, I wore long-sleeves para matakpan ang checklist na nasa braso ko. Dugyot na kung dugyot pero that is how I easily remind myself.

Kaya naman naisip ko, na ipalagay din sa mga kamay ko (na palagi kong nakikita), ang mga bagay na mahalaga para sa akin. The five signs on my fingers are the things I value in life and I don’t want to forget them. Ever.


SECOND MOST COMMONLY ASKED QUESTION: “Ano’ng ibig sabihin ng mga tattoo mo?”

img_9960

THUMB says “BALAIS”

Naniniwala ako na ang pinakamalakas na daliri ay ang thumb. Kahit maliit siya, malakas ang force niya kumpara sa iba. Kaya doon ko ipinalagay ang apeliyedo ko. Balais is my surname. I believe na ang source ng lakas at foundation ko bukod kay Lord ay ang aking pamilya. That is why nasa thumb ang aking apeliyedo.

INDEX FINGER bears the CROSS

When we point at a direction, we use the index finger. Kapag may nagtanong kung saan ang daan papuntang grocery store, ang gagamitin nating daliri para ituro ang daan ay ang ating hintuturo. In my life, I teach people how to be resilient. I teach people anything na kaya kong ituro. At isa sa mga paninindigan ko, dapat kung magtuturo ako, hindi ito taliwas sa turo ng Diyos. Dapat tuwing magtuturo ako, ito ay laging para sa Diyos.

MIDDLE FINGER has the HEART

Bukod sa Diyos, naniniwala ako na dapat ang PAG-IBIG ang sentro ng lahat. No revenge. No hate. Just love.

RING FINGER marks the G-CLEF

Sabi-sabi na kaya daw tuwing ikinakasal, sa ring finger inilalagay ang singsing ay dahil may vein doon na directly connected sa puso. I don’t know how true it is pero ‘yon ang dahilan kung bakit marka ng musika ang nasa ring finger ko. First love ko ang music. At I do everything best with music. I pray to God the best when I play the guitar and keyboard and when I sing. I express myself well in the music I write. Kaya talagang mahal ko ang musika.

PINKY FINGER is the STAR

Ang pinky finger para sa akin ay simbolo ng AKO. Ako ang pinky finger. Maliit. Mahina. Pero may pangarap na dapat abutin. Pangarap is the BITUIN. And even if I’m small in this big universe, I have a dream, a star to reach. Charot!


So, iyon na nga. Nasagot ko na ang most commonly asked question sa akin. Pasensya na rin kung I sounded defensive sa unang parte ng article. Hahahaha! Hindi ako defensive. Minsan lang ako kasi makapaglabas ng saloobin tungkol sa mga mapanghusga kaya pagbigyan niyo na.#

Advertisements

10 Comments

  1. Naiinis din ako sa mga hilig mag-react ng ganyan sa mga may tattoo. Ako matagal ko nang plano but my mom judges me everytime nagpapahapyaw ako. So lucky for you naging okay sa rents mo. And talaga namang it symbolizes something. Ang deep, worth it.

    1. Thank you po! Hahaha itinago ko nga to sa parents ko. Tapos accidentally nakita nila, tapos parang nagalit lang ng kaunti. Tapos cool na. Wala na kasi silang magagawa. 😂😂😂

      1. True! I hate people who judge people. But as years go by, my understanding and patience for them also get stronger. Kumbaga, wala na akong pakialam kung ganun ang mindset nila. Hindi naman ako ang nagkakasala. Hahaha.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s