To comb or not to comb? – Kuwentong Buhok

I say – NOT TO COMB!

I’m never used to combing my hair. It hurts and my hair feels like a straw after combing. Plus, I’m bothered by the hair fall.

Even when I was in college, my professors and classmates got used to my appearance in the morning. My hair was all over my head and I didn’t care. Even when I had my first job, my workmates just let me do whatever I wished to do with my hair.

In public utility vehicles, I ALWAYS get their attention because of my messy morning hair.

And I don’t care

if they stare,

it’s my hair.

Going back, hairstylists often give advice on hair care. They say, “Never blow dry your hair everyday. That would make it dry,” or “Don’t go to school/work if your hair is not yet dry,” and blah, blah, blah. Of course it is someone’s choice to listen to them or not.

And I’m one of those people who choose to listen to my hair. And my hair says, “DON’T FREAKING COMB ME!”

“Okay,” I said. “I won’t.”

And I never got a problem with it since I ditched the comb.

Some might say, “Syempre nagsusuklay ka rin. Imposibleng hindi.”

Syempre nagsusuklay din ako kapag may mga okasyon na kailangang maayos (“maayos” is a subjective word for me) ang buhok tulad na lamang ng mga pormal na event sa opisina and others. Pero gaano kadalas ang minsan, mga bes? Hindi talaga ako pala-suklay.

Maayos na para sa akin ang walang tangle ang hair. Or kung mayroon man, hindi ito halata. And I’m achieving it everyday by just allowing my hair to dry while I’m at the bus or jeepney or when I am at work. My bag doesn’t have a comb because I don’t need it. Nyahaha!

My hair is straight since birth. Ganito na siya. At kahit magpakulot ako, it would take two-three tries before mag-take effect ang chemical sa buhok ko. Nasanay rin ako na may kulay medyo konting blonde ang buhok ko. And blessed lang talaga siguro ako dahil kahit ano’ng gawin ko, straight and smooth pa rin ang buhok ko. It might look dry to you but it’s really healthy sa personal. Hahaha.

Why am I coloring my hair?

The answer is very simple. It is to neutralize my facial features. Resting-B*tch-Face (R-B-F) talaga ako since birth, mga bes. At mas lalo akong mukhang b*tch kapag itim ang buhok ko. Kaya para magmukhang friendly, kailangan kong magkulay ng buhok.

16602674_1435280443149435_1727890297995033581_n
This is my no-comb medyo blonde hair and with my legit R-B-F.

Oh, ‘di ba? Sino naman ang magtatangkang lapitan ang pagmumukhang ‘yan kung super sungit ng mukha?! Social worker ako tapos ganyan ang mukha?! Mukhang impakta! Take note: hindi na itim ang kulay ng buhok ko niyan pero b*tch na b*tch pa rin. It’s a problem but a blessing in disguise din. Kasi, although I consider myself friendly, may times pa rin na ayokong nilalapitan lang ako ng kung sinu-sino sa paligid. Bongga, kapag haharap ako sa kanila then wala pang salita, mukha pa lang, may aura nang “Huwag mo akong lapitan.”

Taray!

Kuwentong Buhok

Last April 2016, I went to Phuket, Thailand to celebrate my birthday with my sister who lives there. We both have long hair, black sa kanya, medyo blonde naman ang sa akin. Isa sa mga ginawa namin sa buhok namin ay magpa-undercut. Gustong-gusto ko talaga ang undercut-a-la Demi Lovato. Super loveee! So, ginaya ko ang buhok niya. I let the hairstylist shave my hair sa left side. Left side lang para puwede ko pa ring itago sa mga katrabaho ko. Alam mo na man, baka akalain nila, nag-a-adik ako. Imagine, may tattoo na nga, naka-undercut pa. Yeah, yeah. Alam kong minsan inuunahan ko na sa pag-iisip ng judgement ang mga tao. I love me for who I am, pero noong nagpa-tattoo ako, alam ko rin na hindi lahat ng tao ay tatanggapin ako dahil sa tatak na nasa balat ko. I learned to adjust. But my tattoos deserve a separate blog post. Kaya mabalik tayo sa buhok ko.

Iyon na nga, nagpa-undercut ako. When I came back to the Philippines, maraming tao ang nanghinayang sa buhok ko. Ang haba na raw bakit ko raw pina-shave. And inside, I was like, “Gusto ko eh! Gusto kong i-experience at gusto kong magpa-undercut. Tapos!” Pero dahil kailangang mag-adjust, sinasagot ko sila ng medyo pabebe.

It was a superb feeling. ‘Yong tipong mainit sa office pero presko ang pakiramdam ko kasi naka-shave ang portion ng buhok ko. Hahaha! Ang saya niya! Pramis!

Ilang beses ko rin siyang pina-shave ng pina-shave hanggang sa ito na nga, 5 months ko nang hindi pinapa-shave ang buhok ko. Hindi ako nagsisi even once. Pinapahaba ko na siya dahil mayroon na akong balak gawin sa kanya. Bwahahahaha!

Conclusion. Charot!

Basta for me, I listen to my hair. Hindi naman kasi poket effective ang hair care tips sa ibang buhok ay magiging epektibo rin ito sa buhok mo. May individual differences ang bawat buhok ng tao at ang dapat mong gawin ay pakinggan ang sinasabi ng buhok mo. Sabi nga sa Social Work, para maibigay mo ang tama at dapat at kailangan ng isang taong humihingi ng tulong, PAKINGGAN MO SIYA. Ganoon din dapat ang gawin natin sa buhok natin. At first, trial and error talaga ‘yan. Pero kapag nahuli mo na ang gustong sabihin ng buhok mo sa’yo (‘wag pilosopo, mga bes! Alam ko kung ano’ng iniisip niyo. Walang bibig ang buhok malamang ahahaha!), magiging maayos ang pagsasama ninyong dalawa. Yihiii!

Maraming salamat sa pagbabasa hanggang dulo. Kung may kuwentong buhok ka rin, ikuwento mo ito sa akin sa comment section.#

 

Advertisements

7 Comments

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s