Paboritong Manunula[t]

Kung may sasambahin man ako pagdating sa pag gawa ng obra, iyon ay wala nang iba kung hindi si Kelvin Vistan.

Paano ko nga ba siya nakilala?

Sa totoo lang, hindi ko na matandaan. Basta’t may naging kaibigan ako na kaibigan din niya. Nagkita yata kami at pooof! It became Koko Crunch!

Dahil hindi ko na talaga matandaan kung paano at kailan nagsimula ang panulat na paghanga, gusto kong ibahagi sa inyo kung bakit deserve ni koya ang i-feature at makilala.

  1. Magaganda ang gawa niya. Hindi lang basta tula. May nutrisyon. May sustansya. Kaya gusto kong mabasa din ito ng marami.
  2. Simple ang mga salita. Bagay sa panahon ng mga milenyal. Bagay sa panahon ng mga matatanda. Bagay sa lahat ng panahon. Kaya gusto kong mabasa din ito ng marami.
  3. Bukod sa layuning mang-aliw, higit sa lahat ay layunin niyang ipakalat ang ideya sa mga temang may touch of pain sa masa. Kaya gusto kong mabasa din ito ng marami.
  4. Mag-iisip ka sa bawat tulang ginagawa niya. Bakit ganito ang pamagat? Bakit ganoon ang paraan ng pagsulat? Bakit? Bakit? —- ***Dahil walang sagot sa tanong kung bakit ka mahalagaaaaa***
  5. Maaaliw ka sa iba’t ibang paraan niya ng pagsulat. Matututo ka na puwede pala ang hindi sunod sa uso. Kasi, mare-realize mong magaling talaga siya sa pagtatago ng gusto niyang sabihin sa loob ng mga stanza.
  6. At huli, hindi sapat na ang kilala mo lang na manunulat ay ‘yong mga sikat. Hindi sapat na obra lang nila ang paulit-ulit mong binabasa at hinahangaan. Hindi sapat na nagtiya-tiyaga ka sa kung ano ang naka-print na sa aklat. Maraming diyamanteng nakatago lang.

At siya ay isang diyamante.

Ito ang ilan sa kanyang mga tula:

  1. ArKipelagO
  2. Ang Unang Pasko na Binisita Ako ng “Anak” Ko.
  3. Bakit Ako Natutulog ng Nakadapa.
  4. Bayan PagNanaginip, mga Bayani PagNainip.
  5. Para sa Babaeng Gusto Kong Turuang Murahin ang Thunder to Go Away.
  6. Revolving Door.
Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s