Dear Mahal…

Ito ay isang sulat para sa mahal ko dahil magkalayo kami ngayong araw ng mga puso.


Dear Mahal,

Happy Valentine’s Day!

Ito ang ikatlong Valentine’s Day na hindi tayo magkasama. Hindi ko masabing malungkot dahil sanay na ako. Pero hindi natin dapat kinasasanayan na magkalayo tayo. Alam kong darating ang araw na paglingon ko, nasa tabi na kita. Hep! Hindi picture mo ang malilingunan ko kundi IKAW talaga… in flesh and blood (medyo gore sa pandinig! hahaha). Hindi ako malungkot. Pero naiinggit ako sa mga nakikita ko sa paligid. ‘Yong mga mag-jowang magkasama hindi lang kapag Valentine’s kundi anytime of the day basta free sila pareho. Nakakainggit kasi hindi natin ‘yon magawa.

Hindi ko naman sinisisi ang distansya. Hindi ko rin sinisisi ang panahon. Pasasaan ba at lalapit din ang milya; darating din ang panahon.

Mahal kita. Ilang beses ko na itong nasabi sa’yo. Pero hanggang sa araw na ito, hindi pa rin siya nawawalan ng kahulugan. Dahil mahal kita. At sa tingin ko ay mamahalin pa kita ng bonggang bongga.

Tiyaga-tiyaga lang muna tayo sa malayo. Tiis-tiis sa set up na ang good night kiss ay isang text na “mwah, mwah” at ang good night hug ay isang text na “yakaaaaap higpiiiit”.

Kaya natin. Kinakaya natin. Dahil dalisay ang pagmamahal na mayroon sa ating dalawa. At wala na akong mahihiling pa kung hindi sana, mas i-bless pa tayo ni Lord sa buhay natin. Sana mas patatagin pa Niya tayo at mas palalimin ang pagmamahal sa isa’t isa.

You deserve not just a Facebook post today, Mahal ko. You deserve all the best things in this world na kaya kong ialay sa’yo at pasensya ka na kung isa-summarize ko muna ang lahat ng iyon sa isang full-length post ko dito sa blog site.

Siya nga pala, ‘yong featured image ng post na ito ay ang picture ko habang hawak ang ipinadala mong sunflower para sa akin noong 2nd anniversary natin. Thank you, ha? Babaeng-babae ang pakiramdam ko noong araw na ‘yan. First time na may magpadala sa akin ng bulaklak at Ferrero Rocher. Hahaha! Salamat dahil kahit late na sa talagang date ng anniversary natin ay ipinadala mo pa rin sila. Kita mo, medyo awkward ang itsura ko sa picture. Hindi kasi ako marunong humawak ng bouquet. At maraming salamat sa’yo, Mahal… for the effort and the thought. Yakaaaap higpiiiiit!!!

Mahal kita, ga. Mahal na mahal kita sa abot ng aking makakaya. Sana, pagtiyagaan mo pa ako. Sana hindi ka magsawa sa kulit na taglay ko. Alam ko namang gandang-ganda ka sa akin, eh! Hahahaha.

I will always be yours.

Hoping to spend the next Valentine with you,

Liit  Image result for heart eyes emoticon gif

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s