Isang minuto…

Ilang minuto araw-araw ang ginugugol mo sa pagbangon sa umaga? O paliligo at pag-aayos papasok sa trabaho? Ilang minuto ang dapat at hindi dapat ilaan para sa lahat ng rituwal mo bago ka umalis ng bahay at harapin ang mundo?

Kanina, kagaya ng ginawa ko kahapon ay wala akong sinunod na rituwal. Tumunog ang alarm ko ng 05:45 ng madaling araw. Snooze mga bes! Tatlo ang alarm ko araw-araw: 05:45, 05:55 at isang 06:30. Ibig sabihin, hanggang 06:30 lang ako maaaring magpagulong-gulong sa kama habang nangangarap nang gising o nagbibilang ng tilaok ng manok o itanong sa sarili: “Ilang beses kayang titilaok ang manok bago tumapat sa bintana ko ang sinag ng araw?”

Pagkatapos kong mangarap, nag-text ako sa jowabells ko para bumati ng “Good morning mahal ko! Gising ka na!” At maghihintay akong mag-reply siya…

Fast forward.

Mahirap sumakay ngayon ng jeep sa EDSA dahil bawal na raw. Ang office ko ay sa Project 7 lang. Usually, dalawang sakay lang ito: jeep palabas ng EDSA at jeep papuntang office mismo. Pero kanina, dahil nga marami daw naglipanang nanghuhuli ng mga dilapidated jeepneys along EDSA, mahirap sumakay dahil kakaunti ang jeep.

Isa… dalawa… tatlo… limang minuto akong tumambay sa footbridge para mag-abang ng jeep o bus na puwede akong makipagsiksikan para makasakay. Pero hindi ko kinaya. Sa huling minuto bago ako magdesisyon ng gagawin ko, may dumating na jeep na hanggang Balintawak LRT lang. Sumakay na ako kahit pa hindi ako sigurado kung may sasakyan pa ako hanggang Project 7 o wala na. Sumakay ako dahil ilang minuto na lang, alas otso na. Ilang minuto na lang, late na ako.

Ilang minuto ba ang dapat kong gugulin para pag-isipan ang mga bagay-bagay katulad ng pagsakay sa jeep o bus? Bakit ko pa kailangang pag-isipan kung lahat ng ito ay iisa lang ang tutumbukin o isa lang ang overall goal: ang hindi ako ma-late.

Pagbaba ko ng Balintawak, nag-LRT ako hanggang Roosevelt. Isang istasyon na lang ‘yon mga bes! 07:52 AM, nasa Roosevelt na ako. Lakad-takbo na ang ginawa ko para hindi ako ma-late.

And at last, 07:59 AM, nasa office na ako. Hindi ako late.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s