Kalapati

May masikip na papag ang isang kuwadro sa ‘di kalayuan.

Ito ay pinipilit tawaging ‘tahanan’ ng pinaka magandang ‘kalapati’ sa bayan.

Maganda daw ang kita kung kumpletong kanin at ulam ang dala

Na pagkakasyahin niya sa limang bitukang wala pang laman mula kahapon ng umaga.

Kahit anong pilit mabuhay sa paraang malinis, may dignidad at sagana,

Ang pagbibihis at pagpapakain sa limang anak na may iba’t ibang ama ay sadyang napakahirap kung nag-iisa.

Kaya naman ang nagsisilbing ilaw at haligi nitong munting ‘tahanan’,

Ay gabi-gabing nilulunok ang pait habang sumasayaw sa kumukutitap na bahay-aliwan.

May liwanag nga sa entablado at masigabong palakpak ng mga tao,

Ngunit matagal na siyang bulag sa liwanag; matagal na siyang bingi sa palakpak.

Bingi na siya sa pangungutya; bulag na siya sa panghuhusga

Dahil hindi naman mahalaga ang sasabihin ng iba

Basta makuha niya ang kailangan at makauwi pa sa ‘tahanan’.

Ang habol niya ay pera, katumbas ng laman niyang pinagpyestahan na ng iba.

Ang habol niya ay pera, para sa limang batang naghihintay sa kanya.

Bulag man siya at bingi, o walang pakiramdam sa bawat hipo ng iba’t ibang kamay ng lalaki,

Nagtitiis na lang siya at hinuhugasan sa gabi

Ang bakas ng hawlang ‘di niya pinangarap gawing kulungan ng sarili.

Gusto sana niyang lumipad, umalpas ng mataas

Pero mabigat ang kadenang pumipigil sa pag-aklas.

Ngunit hindi doon dapat magtapos…

Ang kalapati, habang may bitbit pang lima

Ay nangangarap ding mapuntahan ang langit tulad ng isang agila.


“Kalapati”

Ni Eba Grasya

5 Pebrero 2017

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s