Silip sa Non-Government experience

SA SOCIAL WORK, bigatin kang matatawag kung makakapagtrabaho ka sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) o sa mga welfare offices ng Local Government Units (LGU), o sa mga ahensya ng gobyerno kagaya ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) at iba pa na nag-e-employ ng mga social workers. Siyempre, gobyerno iyon kaya naroon din ang benepisyo at ang pagpapatupad ng Magna Carta for Social Workers (o ang karagdagang benepisyo na para lamang sa manggagawang panlipunan). Kung hanap mo ay seguridad sa future mo, pipiliin mo ang gobyerno.

Pero kahit maraming benepisyo ang government offices, maraming social workers pa rin ang pinipiling magsilbi sa mga non-government and international non-government organizations sa kadahilanang marami sa serbisyo nila ang mas humahasa sa kakayahan ng isang social worker lalo na kung bagong graduate ka pa lang.

Sabi ng professor ko noong kolehiyo, magandang magsimula ng trabaho ang isang bagong graduate na social worker sa mga non-government organization. Hindi ko ‘yon masyadong na-gets noon kasi honestly, target ko rin ang gobyerno noong mga panahong iyon. Bagong graduate, gusto agad malaki ang sweldo. BUT I learned that if sweldo alone is your motivation to work, hindi ka magiging masaya. Kailangan mo ng tinatawag nating pagmamahal sa ginagawa.

Kaya naman, papasilipin ko kayo sa mga naging experience ko sa government and non-government organizations na napasukan ko na. Disclaimer po lamang, ang basehan ko sa comparison ay ang experience ko sa DSWD-Pantawid Pamilyang Pilipino Program lamang at hindi nito cover ang iba pang programa ng DSWD. Okay? Let’s proceed.

I don’t know if I already wrote about my DSWD-Pantawid Pamilyang Pilipino Program experience. Iyon ang una kong trabaho pagka-graduate ko sa BS Social Work. It was stressful and challenging given the large number of beneficiaries and overlapping tasks that I needed to accomplish. BUT I was paid higher than my current salary. He-he-he! Super happy ako nang matanggap ko ang unang cheque under my name bilang compensation sa ilang araw na ipinasok ko before the cut off. Naaalala ko, nagtago pa ako sa loob ng cubicle ng comfort room para lang tumalon at sumigaw ng walang sound. Ha-ha-ha!

I stayed there for one year and nine months and have attended several training for the program. BUT training and number of years in a certain employer don’t necessarily mean there is growth in me as a person and as a worker. Nag-attend ako ng training, natuto ako at naka-experience ng iba’t ibang bagay pero hindi ko maramdaman ang paglago ko bilang isang social worker. That was why I decided to apply in a non-government organization. Na-hire ako bilang isang social welfare officer sa Welfare Department ng Philippine Red Cross National Headquarters. Wow, ‘di ba? 

Unang point na kailangan kong i-stress dito, wala akong naging pakialam sa sweldo kahit na Php 6,000 less ang ibinaba ng kinikita ko buwan-buwan. Umalis ako sa DSWD dahil naramdaman kong kailangan ko ito inside, and not just because of my financial needs. I stayed there for two years and four months. I traveled a lot of places na libre dahil ang isa sa roles ko ay ang pagbibigay ng technical assistance sa Philippine Red Cross chapters around the country. In short, ite-train namin ang mga Chapter kung paano mag-provide ng Welfare Services. Kalimitang kilala lang kasi ang PRC sa Blood Services. Kakaunti ang nakakaalam na mayroon itong Welfare Department at may iba’t ibang serbisyo para sa mga tao like Psychosocial Support, Restoring Family Links and referral to other agencies like PCSO and hospitals.

My sense of independence and responsibility were enhanced during those times dahil minsan kailangan ko talagang bumiyahe mag-isa sa malalayong lugar at mag-desisyon on behalf of the department. Natutunan ko ang financial aspects ng isang programa; if you have to work within the budget, paano mo ‘yon gagawin? Sa Pantawid Pamilya kasi, the budget and services are always there. Hihintayin mo na lang na ibigay sa beneficiaries. Malaking-malaki ang difference. I experienced planning and budgeting for a certain activity. Mas naintindihan ko kung paano nagkakaroon ng funding ang isang organization at saan inilalaan ang mga ito. Natuto akong maging mas mabusisi sa pagli-liquidate ng expenses. 

BUT everything must come to an end. Due to personal reasons (Char!), kinailangan kong umalis muli sa PRC para lumipad at maging malaya. Ha-ha-ha!

At ngayon nga, na-employ na ako ulit sa isa pang NGO na mas maliit ng bongga kumpara sa PRC. BUT, don’t underestimate the learning I had kahit ilang buwan pa lang ako. Three months pa lang ako sa ACTION, Inc. pero marami akong na-realize. Mas na-develop ang sense of independence at responsibility ko. We also have coordination and networking with other partner agencies and organization kaya mas na-e-enhance din ang pakikipag-usap ko sa iba. Nakakatuwa dahil we clean the office. We conserve energy para makatipid sa fund ng NGO. Dito ko naramdaman na importante ang bawat gagawin kasi alinman sa mga gagawin ko ang magkamali, tiyak na may masasayang na resources. And as part of the organization, dito ko naramdaman na NAG-AALALA AKO para sa lahat and not just the project kung saan ako naka-assign.

Sa sobrang liit kasi niya, I really feel na parte ako nito. At nakakatuwa. 

For now, tatlong buwan pa lang ang nakakalipas. Marami akong free time to do things which are outside work. Naghahanap pa ako ng iba pang mapagkakakitaan dahil kagaya nang nauna, mas bumaba pa ulit ang kinikita ko buwan-buwan. PERO again, hindi ito hindrance para hindi ako maging masaya. Kasi, at the moment, MASAYA AKO.

– EGJB 2017

Advertisements

3 Comments

    1. Thank you! Puwede ka pa din namang mag-volunteer sa mga NGOs and Gov’t institutions kung gusto mong makatulong sa kapuwa kahit iba ang course mo. I hope you’ll find your path to service to humanity. Charot. Hahahaha. Good luck! 🙂

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s