Silang Parehong Gustong Mahalin at Magmahal…

Siya—na nagmahal:

Sinubukan kong tipirin ang galawang “mahal kita”

Para sana dama mo kung gaano ito kahalaga

Na limitado lang at maaaring maubos

Kapag sumobra ako ng bigay

Kapag ako lang ang bigay nang bigay

At tanggap ka lang nang tanggap

Siya—na gustong mahalin:

Naghahanap ako ng sagot para patuloy na kumapit

Sa mga pangako mong laging ginigipit

Hindi ko alam kung bakit mo pinipigilan

Eh hindi naman kita iiwanan kahit pa ibigay mo ang buo nang isang bagsakan.

Naghahanap na ako ng rason para mawala ang sakit

Na epekto ng iyong pagtitipid

Gusto kong intindihin, pipiliting unawain

Ang dahilan na hindi mo naman masabi sa akin

Tinatanggap ko ang kaya mong ibigay

At pinapalitan ko ito ng sarili kong buhay

Hindi mo ‘yon alam dahil masyado kang sarado

Sa takot na maulit sa atin ang nakaraan mo

Kailan mo ba maiintindihan

Na hindi ako aalis kahit pa maraming dahilan?

Sapat ka na para manatili ako

At mananatili ako kahit kakaunti ang maibibigay mo

Ramdam ko ang takot na nasa puso mo

Alam kong sugatan ka at lahat iyon ay tinanggap ko

Pinipilit kong gamutin kahit hindi ako ang gamot

Sinusubukang punan kahit hindi ako ang sagot

Matagal na palang malinaw ang lahat ng dahilan

Kung bakit nagtitipid o kung bakit puro latak lang

Natakot ka sa kanya

Natakot ka sa ginawa niya…

Pero ako na ito. Ako na.

HINDI NA SIYA.

Siya—na nagmahal:

Ngayong alam ko na ang nasa puso mo

Ngayong naintindihan ko na ang nasa puso ko

Sisimulan nang kalimutan ang takot na matagal nang tapos

Para makapagsimula na tayo

Ikaw at ako.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s