Push Pa More

Nagsimula tayo sa pagkilala sa isa’t isa

Sabi nila, bagay na bagay tayong dalawa.

Ibinida ka nila nang ibinida hanggang sa nauto naman ako.

Chef ka ba?

Ang galing mo kasing magluto.

Inilagay mo ako sa kawali ng atensyon mo.

Binudburan mo ng pampalasang mga pangako.

Sinabawan ng matatamis na salita.

May kaunting alat at anghang

Talaga naming yum-yum!

Sinahugan ng mga effort mong parang ako ang reyna sa’yong mga mata

Hanggang sindihan mo na ang nag-aalab sa loob ko

Pinainitan ng apoy ng pagmamahal.

Pagmamahal nga ba o pagnanasa lang?

Nang husto na kasi ako sa luto, tinikman mo ako

At tumikim ka rin sa iba pang niluto mong ulam.

Wow, ha? Ang galing mo!

Iisa ang kalan mo pero sabay-sabay kaming lahat naluto.

Sabi pa nila, ang perpekto ng IKAW at AKO.

Siguro nag-aral ka ng public speaking, ‘no?

‘Yong speech mo kasi, sobrang paniwalang-paniwala ako.

Nakalimutan ko na nga ang mga sarili kong opinion

Kasi naniniwala ako sa lahat ng sinasabi mo.

Noong sinabi mong mahal mo ako

Kahit puro ka lang salita at text at tag sa Facebook

‘Uy, naniwala ako!

Noong sinabi mong hindi mo ako ipagpapalit

Na ako lang

Na walang iba

Kahit nakita kitang patagong kumikindat

Naniwala ako.

Lalo naman noong sinabi mong ako na talaga!

Tuwang-tuwa pa ako noong magplano ka

Na ang tayong dalawa ay maging iisa na

Kahit alam kong may pinangakuan ka ring iba

Naniwala pa rin ako sa’yo.

Grabe! ‘Tang ina!

Ang galing mo talagang mag-persuasive speech!

Nakakabilib!

Pangarap mo rin sigurong maging abogado

Kasi kahit ikaw na ang mali

Nagagawa mo pa ring ipagtanggol ang sarili mo

At sa huli, ako na ang agrabyado

Ako pa rin ang talo

Natatandaan mo noong nahuli kitang may kalandian sa cellphone?

Kinausap kita nang mahinahon

Kasi gusto ko lang naman maintindihan

Pero bigla kang sumigaw. Nagalit ka.

Sabi mo pinagdududahan ko ang pagmamahal mo sa’kin.

Sabi mo bakit wala akong tiwala sa’yo

Hanggang sa kung anu-ano na ang lumabas sa bunganga mo

Grabe! Ang sarap mong pakainin ng pako!

Hanggang sa ikaw na ang nagtampo

At ako na ang na-guilty

Kaya ako na rin ang nanuyo sa’yo.

Yayaman ka kapag nagging abogado ka.

Sigurado ako.

Napaka-multi talented mo.

Kaya minahal kita, eh!

Ang dami mong kayang gawin.

Kaya mong pagsabayin ako, siya, siya-two, siya-three.

Samantalang ako…

Ang kaya ko lang ay magmahal.

Doon tayo nagkaiba.

Hindi nila nakita ‘yon dahil guwapo ka.

Star struck kaming lahat sa’yo.

Push lang sila nang push sa’ting dalawa.

‘Di nila nakita na sa dami ng kaya mong gawin

Hindi mo kayang gawin ang pinakamahalaga

—ang magmahal.

At pinush nila ‘ko sa’yo.

Nagpa-push naman ako. Gusto ko rin.

Kaya pinush ko ang sarili ko.

At nahulog nga ako sa’yo.

Infairness, hindi ka rin pala puwedeng maging doctor

Ang sakit kasi ng pagkakahulog ko sa’yo

Pero kahit kalian

Hindi mo kayang gamutin ang sakit na ‘to.

*insert bad words here*

Advertisements

2 Comments

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s