Pero…

Ilang pagkakataon ang pinalampas ko para mahanap ka
Ilang panahon ang tinanggihan ko dahil akala ko malayo ka pa
Hindi ko tinanggap ang lahat ng bulaklak na bigay 
Natunaw lang lahat ng tsokolateng inalay
Napagod silang maghintay
Dahil akala ko, susunod ka nang mag-aalay sa akin ng mundo
Dahil akala ko, ikaw na ang susunod na manunuyo

Tinanggihan ko sila dahil gusto ko silang tumigil
Kasi baka habang nakapila sila ay hindi ka makasingit
Sabi ko, ‘di ko sila gusto
Hindi sila ang taong hinihintay ko
Hindi sila ang magiging dahilan ng kasiyahan ko
Sabi ko ikaw. Ikaw lang.

Pero…
Lumipas na ang oras
Unti-unting nabawas
Ang mga nakapila sa labas
Na gustong makapasok sa buhay ko
Sa puso ko
Hinintay kita…

Pero…
Sino ka nga ba?


Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s