Nang Tumambay Sa Tabi Ng Basurahan Sa Labas Ng Simbahan

Ilang “mahal kita” ang kailangang sabihin
Para ibigay ang mailap mong puso sa akin
Para magtiwala na aalagaan ko ito sa abot nang makakaya
Para masabi mo rin sa wakas na “mahal din kita”

Ilang eklavoo ang dapat i-chenelin
Para ang pag-ibig ay hindi na kailangang lagyan ng betsin
Para parang gulay, makulay ang buhay
Para parang katol, pagsininghot mo’y nakaka-high

Ilang kilo ng taba pa ang dapat ibawas
Para ma-Dawn Zulueta mo ako at ‘di ma-Kris Aquino
Para sa paningin mo ay maging sapat na ako
Para sa lahat ay maipagmalaki mo rin ako

Ilang mga bagay pa ang dapat isakripisyo
Para maging madali ang isang pag-ibig na kumplikado?
Kailan ba magiging sapat at dapat
Ang isang “ako” na pinipilit maging sa’yo ay karapat-dapat?

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s