Nang Makapatay ng Ipis ang Iningatang Palad

Bumibilis ang tibok ng aking puso
Marinig ko pa lang ang mahinang pag-alpas
Ng iyong pagaspas
Na lagi akong dinadala sa bingit ng pagpipigil—
Pigil na ibulalas ang nararamdaman
Pigil tumakbo at tumakas palayo
Pigil ang paghinga sa hindi malamang dahilan
Nag-aalinlangan, nalilito kung kaliwa ba o kanan
Magtatago ba o mananatiling nakatulos sa kinatatayuan

Kinabisado ko ang iyong amoy
Pati tunog ng iyong pagdating
Malabo man ang mata ko ngunit pagdating sa’yo
Lagi akong mapagmatyag
Hindi pa ako handa sa harap-harapang tagpo
Kaya’t kinabisado ko lahat ng tungkol sa’yo
Lahat ng lugar na maaari mong puntahan
Lahat ng dahilan para ako ay iyong lapitan
Lahat iyon ay aking iniwasan
Dahil hindi pa ako handa…

Ngunit isang araw
Sa hindi inaasahang pagkakataon
Nagtagpo ang ating landas
Ikaw at ako
Sa isang pagkikitang
Wala akong pagkakataong tumakas
Sa labis na pagkagulat
Kusang nagkabuhay ang aking kamay
Dumapo ito sa iniingatan mong katawan
At maging ako ay nawasak
Nang makita kong nadurog ka sa aking palad
Kulang ang salitang “takot”
Para ilarawan ang naganap
Hindi kita nais masaktan sa ganitong paraan
Hindi ko sinadya, maniwala ka
Kaya patawad.


10 Nobyembre 2016
Maynila, Pilipinas

Advertisements

4 Comments

    1. Hahaha. Nagulat kasi ako. Usually di ba pag may gagapang satin, ang instict ay bubugawin mo. Hindi ko inexpect na ipis siya. 😫 at yun nga. Napisak ko siya ng bongga sa sobrang gulat.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s