Medyo Masakit

Mahirap palang lumaban
Sa paligsahang ang tanong
Ay kung sino ang mas nagmamahal
Sino ang mas nagbibigay ng panahon
O sino ang mas nag-aalay ng buong puso

Mahirap lumaban
Lalo na kung nag-iisa ka
Sa pagtatanggol
Sa pag-iingat
Ng pag-ibig ninyong dalawa
Na sa tuwing sumusuko siya
Yayakap ka na lang sa kanya
At magpapatuloy sa abot nang makakaya
Kahit sagad na
Kahit parang mamamanhid ka na
Kahit pagod ka na
Kahit nasa pagitan ka na ng ‘kakapit pa’ at ‘bibitaw na’

Mahirap lumabang mag-isa
Sa panahong ikaw na lang ang nakatayo
Sa mga oras na tinutulak ka pa niya palayo
Sa minutong ang nagdudugtong na lang
sa puso niyong dalawa
Ay ang taling meron ka
Dahil ang kanya ay putol na

Mahirap lumabang mag-isa
Lalo kung ayaw na niya
Pero gusto mo pa
At nananatili kang nakahawak ng mahigpit
Para lang kasama mo pa rin siya
Sa bawat paghakbang
Sa bawat pagtakbo
Sa bawat pagtatanggol mo sa pagmamahalan ninyo

Pero kahit mahirap
Lagi pa ring magpapatawad
Sa lahat ng pagkukulang
Sa lahat ng pang-iiwan
Sa mga oras na nandyan siya pero parang wala
Sa mga segundong lumalaban ka
Habang siya
Bumubulong lang na “tama na”

Magpapatawad ka
Dahil nagmamahal ka
At nagmamahal ka
Kaya magpapatawad ka

Pero
Hanggang kailan ba ang labanan
Na mukhang ikaw lang naman ang lumalaban?

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s