Kahit Alam Ko Na

Kahit alam ko na…

Na hindi ako ang dahilan ng pagdilat mo sa umaga

O ng pag ngiti mo sa harap ng salamin habang nangangarap nang gising

O ng pagtambol ng puso mo nang mabilis, malakas, nakakatuwa, nakakasabik

Kahit na hindi ako ang laman ng isip mo sa sandaling lumiwanag ang dilim

Ikaw pa rin ang dahilan ng sa akin.

Kahit alam ko na…

Na hindi ako ang naiisip mo sa tuwing may bakanteng upuan sa harap mo

O tuwing may burger ka at gusto mo itong hatiin sa dalawa para i-share sa iba

O kapag nilalamig ka sa sinehan at gusto mong mainitan ng yakap

Mahigpit at matagal

Kahit na hindi ako ang gusto mong makasama sa lahat ng date mo

Ikaw pa rin ang gusto ko sa akin.

Kahit alam ko na…

Na hindi ako ang huling imahe sa iyong gunita tuwing pipikit ka

At hindi pangalan ko ang ibinubulong mo tuwing pagkagat ng dilim

Na para lang akong hangin sa labas ng sarado mong bintana

Nariyan nga ako at naghihintay makadampi man lang sa balat mo

O maging dahilan man lang ng iyong paghinga…

Pero hindi mo ako maramdaman

Dahil ibang hangin ang hinayaan mong makapasok at humele sa’yo

Ibang AKO na ang pangalan ay SIYA.

Isang SIYA na kahit kalian ay hindi magiging AKO.

Kahit alam ko na

Na hindi ako ang para sa’yo

Hindi magbabago ang nararamdaman ko.

Kaya naman kahit alam ko na

Na hindi ako ang lahat ng iyong dahilan

Sapat pa ring sagot ang mahal kita

At kahit na alam ko na

Na hindi ako sumasagi man lang sa iyong isipan

Sapat pa ring ikaw ang laman ng sa akin

Kaya naman kahit alam ko na

Na hindi talaga tayo para sa isa’t isa

Ay mamahalin pa rin kita

Hanggang sa alam ko na

Kung paano tumigil, huminto at sumuko.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s