“Congrats! Malayo na ako.”

Minsan paglingon ko, nakikita pa rin kita

Doon sa mga mukhang kapareho mo ng hulma

O madalas sa sintangkad at singtikas ng iyong katawan

Lalo ‘pag nakatalikod sila gaya nang huling imahe mo sa aking isipan

Minsan pagsinghot ko, naamoy pa rin kita

Sa mga nakakasalubong kong kapareho mo ng pabango

O sa t-shirt mong nakatago sa aparador ko

At sa mga sulat mo noon na pinapabanguhan mo ang selyo

Minsan ‘pag tumatawa ako parang ikaw pa rin ang nagbibiro

Sa mga biro mo na ibabanat ng mga kakilala ko

Kahit alam ko na ang punch line, nagpapanggap akong slow

Para marinig ko ulit ang sagot na parang ikaw pa rin ang nag-joke

Minsan napapangiti ako at tatawa mag-isa

Tuwing naaalala ko ang kalokohan nating dalawa

‘Pag napapadaan ako sa may simbahan sa kanto

Pati tindero ng fishballs, o ‘yong batang madalas nating bilhan ng ilang-ilang

Hinahanap ka din nila

Hindi nila alam na hinahanap din kita

Hinahanap pa rin kita

—minsan.

Gusto kitang matagpuan sa dating lugar

Kaya madalas akong tumambay 

Baka sakaling mapadaan ka ulit doon

Kapag nami-miss mo rin ako

O kapag kagaya ko na naaalala ang lahat ng tungkol sa’yo

Pero kaakibat ng minsan ang isang katotohanan

Na hanggang minsan na lang

Hindi na madalas o palagi o araw-araw

Hindi na puwedeng sumobra pa doon ang pagka-miss

Hindi na puwedeng sumobra pa doon ang pagtamis

Dahil ‘minsan’ na lang ang kayang ilaan ng isipan ko para sa’yo

‘Minsan’ na lang at hindi na segu-segundo

Nakakatuwa 

Kasi ang layo ko na

Malayo na ang narating ng pagpapatawad at pagkalimot

Malayo na ang naigulong ng oras 

Kasabay ng unti-unting pagkawala

Ng damdaming masasakit noon;

Damdaming nakakalungkot noon;

Damdaming puro pagsisisi noon.

Nakakatuwa

Dahil napapangiti na ako

Sa alaalang dating iniiyakan ko

Congrats! Malaya na ako.

Congrats! Malayo na ako.
——

“Congrats! Malayo na ako…”

23 Nobyembre 2016

Maynila, Pilipinas
—–

Pagpapaliwanag: Noon ko pa dapat ito naisulat dahil ang tema ng tula ay matagal ko nang nalampasan. Pero dahil kinokolekta ko ang mga karanasan para sa manipis na librong “Dalawampu’t Limang Taon: Isang pagdiriwang para sa lahat ng pinagdaanan” sa tingin ko ay isasama ko ito. Tatlong taon at mahigit ang hinintay ko para maka-move forward noon sa unang heartbreak ko. Kaya sa tingin ko, ito ‘yong feels ko noon. Actually, disclaimer pala ito. Hahaha! 😂

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s