#6 – Eye Contact

“WALANG FOREVEEEEER!”

Ito ang mga salitang palaging lumalabas sa bibig ni Mich sa tuwing makakakita ng mga sweet couples sa kalye, sa bus, sa mall o kahit sa kanilang opisina. 

Kagaya na lamang ng mga oras na iyon. Habang nakatayo kasi siya sa gilid ng mall at nagbabasa ng paborito niyang pocketbook ay nabangga siya ng mag-jowang naglalandian. 

“Landi pa more! Maghihiwalay din kayo! Karma niyo sa pambubunggo niyo sa akin! Mga leche!” naiinis na pagmamaktol niya sa kanyang isip. 

Kung maisasatinig nga lang niya iyon, tiyak matatakot ang mag-jowang bumangga sa kanya. 

“‘Di man lang mag-sorry! Mga leche!”

Pero dahil nasa climax na ang binabasang kuwento, agad niyang tinuloy ang nabinbin na pagbabasa. 

Subalit muntik na siyang humalik sa lupa nang maitulak na naman siya ng kung sino.

“Linek!” sigaw niya habang mabilis na tumatayo mula sa kinabagsakang sahig. Nang makita na magkasintahan na naman ang naglalambingan, lumagpas na sa ulo niya ang lebel ng kanyang dugo. 

“Mga bata! Kung maglalandian kayo, huwag kayong mandadamay ng nananahimik na tao! Ikaw!” duro niya sa lalaki na naka-highschool uniform pa. “Ikaw! Alam ba ng mga magulang nitong girlfriend mo na mag-boyfriend na kayo? Malamang hindi! Nag-ka-cutting classes pa kayo para makapagharutan! Mga leche!”

Nagtakbuhan naman ang dalawang estudyante. 

“Walang forever!!!!” sigaw na naman niya. “Tandaan niyo!!! WALAAAAANG FOOOOOOREEEEEEEEEE—–”

May lalaking paparating. 

At doon napako ang kanyang mga mata. 

At ang puso niya na sintigas ng bato ay nagiging mamon na yata. 

Dahil bumilis ang tibok niyon. 

Habang nakangiwi siya dahil hindi na niya natapos ang mga salitang nais sana niyang isigaw. 

Isang hakbang pa. 

Nagtama ang kanilang mga mata. 

At ngumiti ang lalaki sa kanya. 

Isang hakbang pa. 

Nilagpasan na siya nito. 

Pero ang taksil niyang mga mata ay sumunod sa nilakaran nito. 

Isang hakbang pa. 

Lumingon muli ang lalaki sa kanya. 

At nagtama, sa ikalawang pagkakataon ang kanilang mga mata. 

“VER…” kapos hininga at pabulong niyang tuloy sa kanina lang ay isinisigaw niya. 

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s