#5 – Food

I am the type of a girl with no special food preference. I eat almost everything edible. HUWAG LANG EXOTIC TYPES NA MUKHANG BULATE AT IPIS, UTANG NA LOOB!

At Shabushi Japanese Restaurant, Patong, Phuket, Thailand with my sister. ❤️

So, yeah. I don’t care about my weight. Naniniwala akong hindi ko ikatataba ang pagkain ng iba’t ibang klaseng pagkain paminsan-minsan. 

I don’t care about the taste either. Basta nakakain ng iba, susubukan ko ring kainin. 

Being a social worker, I learned to eat whatever it is on the plate. Hindi ako mapili. Because sometimes, you’ll face a poor family with nothing but a piece of food. Hindi ka puwedeng tumanggi at magmaselan dahil iisipin nila na ang arte-arte mo at ma-o-offend mo sila. Besides, tao rin sila. They don’t eat dirty food. Kaya I firmly believe na kailangan kong kumain ng inihahain nila sa harap ko. Kahit ano pa iyon. Again… HUWAG LANG EXOTIC NA MUKHANG BULATE AT IPIS.

I love eating. One thing I do sa mga lugar na pinupuntahan ko ay subukan ang kanilang pagkain. Ano’ng klaseng luto ang adobo nila? Ano’ng pinakasikat na pagkain nila? Ganerrrn!

Speaking of Adobo… Paborito ko ito. Lalo na ang luto ng tatay ko. May alat at tamis at anghang na ‘di ko maipaliwanag. Kahit ilang beses ko siyang obserbahan sa pagluluto, hindi ko magaya ang lasa ng adobo niya. 

May magic. 

Malalaman mo na lang na naubos mo na ang kanin sa rice cooker niyo. 

FOOD. I LOVE FOOD. 

Mouthwatering! @ Shabushi Japanese Restaurant

Pero sa ngayon, I’m on a strict diet. Hahaha! Sumobra na kasi ang timbang ko. Hindi pa ako mataba. Pero papunta na doon. 

I have a note on this: I don’t care about my figure but I care about my health.



Health is wealth. Para makakain pa ako ng maraming maraming maraming pagkain kahit matanda na ako. 

Usually kasi, kapag nasa 50s na ang isang tao, pinagbabawalan na kumain ng masasarap ng mga doktor. Bawal ang pork. Bawal ang beans. Bawal mabuhay!!!!!!

At ayokong umabot ako sa ganoong punto. Stay healthy pa rin kahit kumakain ng maraming-marami. 

👌🏼😁

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s