Araw-araw ay may digmaan

  
Sa tuwing nakikipag-unahan kang makasakay sa tricycle. Sa iyong pakikipagsiksikan para lang makasakay sa bus at makarating sa pupuntahan. Sa pagpila mo nang matagal sa MRT na animo’y pilahan ng tumatanggap ng relief goods. Sa tuwing nakikipagbunuan ka sa kapuwa pasahero para mauna kang makapasok sa bagon ng tren. Kapag wala kang pakialam kung mayroon kang masisiko, maaapakang paa, maitutulak o maaatrasan. 

Sa tuwing lalabas ka na ng bahay lulan ng iyong sasakyan. Sa tuwing magmumura ka, mumurahin lahat ng maisipan kapag binabaybay mo na ang kahabaan ng EDSA. Sa tuwing naiipit ka sa trapik na animo’y prusisyon ng libing sa kalsada. Kapag wala kang pakialam, makasingit lamang sa iba pang sasakyan sa linyang mas mabilis umandar. 

Sa tuwing pipila ka sa Jollibee o Mcdo o kahit anong kainan. Sa bawat pagkalam ng iyong sikmura, kasabay ng murang iyong pinapakawalan sa mabagal na pag-ungos ng pila para ikaw naman ang maserbahan. Sa tuwing matatakam ka sa pagkain na nakikita mo sa iba habang ikaw ay unti-unting umaasang, “Isang hakbang pa, ako naman ang kakain.” Kapag wala kang pakialam sa mga taong siningitan mo para mauna na animo’y ‘di sila gutom na kagaya mo. 

Sa tuwing pumapasok ka sa simbahan upang magdasal. Sa tuwing iismid ka kapag may nakikitang ‘di kaaya-ayang mananampalataya. Sa tuwing nanghuhusga ka ng mga lalaki o babae na puno ng tattoo ang katawan na nakaupo sa isa sa mga upuan. Sa tuwing pinagtatawanan mo ang ibang tao sa kanilang kamalian. Kapag walang bisa ang seremonya, ang sermon at Banal na Salita. Kapag wala kang pakialam kahit makasakit ka na ng iyong kapuwa na animo’y ikaw lang ang banal at ikaw lang ang anak ng Diyos. 

Araw-araw ay may digmaan. 

May digmaan sa mundo. 

May digmaan sa loob mo. 

May digmaan dahil ipinaglalaban mo ang iyong sarili. 

May digmaan dahil kahit simpleng bagay ay hindi mo magawang mag-alala para sa iba. 

May digmaan dahil gusto mo.

May digmaan dahil araw-araw mong pinipili ito. 

Advertisements

2 Comments

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s