Paghihintay

Ang paghihintay ang isa sa mga pinakamasarap na pakiramdam sa mundo. 

  

Isipin mo, pauwi na ang nanay mo na may bitbit na Jollibee na paborito mo. Naka-jeep na siya. Kaunti na lang at kakatok na siya sa pinto ng bahay niyo para ianot sa’yo ang pasalubong na pinakabilin-bilinan mo. 

Isipin mo, na isang araw na lang at bakasyon na. Wala nang gigising ng masyadong maaga. Wala nang mga asignatura o kung anu-anong proyektong ipapasa sa paaralan. Hindi mo na makikita ang kaklase mong bully. Hindi mo na makikita ang teacher mong pahirap sa buhay mo. 

Isipin mo, isang tulog na lang at susuweldo ka na naman. Mababayaran mo na ang utang mo at makakakain ka na naman ng masarap. Mabibili mo na iyong bagay na ilang ulit mo nang binabalikan sa mall at pinag-iipunan. 

Isipin mo, tatlong taon kayong nagtiis sa isang long distance relationship. Pero ilang oras na lang, lalapag na ang eroplanong sinasakyan niya. Hindi ka na mapakali sa Arrival Area. Kaunting oras na lang, makikita mo na siya. Mayayakap. Maaamoy at mahahawakan. 

Nangako ang nanay mo na uuwian ka niya ng Jollibee. Nasa school calendar ang araw ng bakasyon. Kada kinsenas katapusan ang suweldo mo. Tatlong taon ang kontrata niya sa ibang bansa. 

Lahat iyan ay alam mo at inaasahan mo nang mangyari. Pero paano kung walang pangako? Walang kalendaryo? Walang tiyak na panahon?

Ang paghihintay sa isang bagay na walang kasiguraduhan ang pinakamasakit at pinakamahirap sa mundo. 

Hindi mo alam kung hanggang kailan ka maghihintay. 

Hindi mo alam kung darating ba ang hinihintay mo. 

Hindi mo alam. 

Pero patuloy kang naghihintay… Umaasa… Nag-aabang…

Paghihintay. 

Advertisements

2 Comments

  1. Normally, ayaw na ayaw ko yung feeling na naghihintay. Yep. Wala akong tiyaga talaga sa mga ganyan. Pero nung nabasa ko to, sabi ko onga no. Maganda pala yung may hinihintay. Kesa nganga forever. Salamat!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s