Linya101 announces winners for Poem Writing Contest 2015


For the Funny Category:

   

Sige na Nga, Tutal Pasko Naman

Ni Leapot

Patatawarin na kita sa pagtalikod mo sa pag-ibig ko.
Kalilimutan ko ang lahat ng sakit na idinulot mo.
At dahil ako’y sadyang kay bait,
Kasama ka dalangin ko sa araw at gabi.
 
Mag-ingat ka sa iyong paglalakad sa kalsada’t eskinita
Dahil nagkalat ako ng mga bato para madapa ka.
Iwas-iwasan mo ring dumaan sa tapat ng aming bahay
Kung ayaw mong masaktan at magkaluray-luray.
 
Nawa’y makuha mo na ang pinapangarap na babae’ng mabait at maganda
Na siyang magmamahal at mag-aalaga sa’yo sa tuwina
Pero huwag na huwag ko lang kayong makikitang magkasama
Dahil kapag nagdilim aking paningin, naku magdasal ka na.



For the Drama Category:


 

Kathang-isip

Ni Nipster Anne

 

Isang taon na naman ang malapit nang lumipas
Naiba na lahat maliban na lang ako, walang pagbabago
Naiiwan pa rin ako… naghihintay, umaasa at paulit-ulit nabibigo
Kaya ngayong darating na pasko sana maiba naman…sana.

 
Sana sa bawat ngiti mo tanggap ko nang hanggang kaibigan mo lang ako.
Sana sa bawat pagbanggit ko ng pangalan mo bumitaw na ako sa pag-asang puwede pang maging tayo.
Sana sa bawat pagkaskas mo ng gitara tanggap ko nang hindi para sa akin ang tugtog mo.
At sana… sana makalaya ka na sa pag-ibig kong gapos maging ako.

 
Maniwala ka gusto na kitang pakawalan…bitawan, patulong naman, oh!
Sana sa pasko ang regalo mo sa akin ay pamalo
Pamalong kapag tumama sa ulo ko’y magigising ako sa mga ilusyon at panaginip na ito
At mamumulat ako na ikaw at ako ay kathang-isip lamang… kailanma’y hindi magiging katotohanan.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s