Plastik vs Porselana

Ang taong nagmamahal ay ‘di dapat maging porcelain… Na kapag nasaktan at nabasag ay hindi na kayang magmahal muli, hindi na kayang magtiwala muli.

Ang taong nagmamahal ay dapat maging isang plastic… Na kahit masaktan, ibato, ibalibag at kung ano pa man, magagamit pa ulit. Magmamahal pa ulit. Magtitiwala pa ulit. 

Dahil kahit anong sabi mo na ang tiwala at pagmamahal ay parang babasaging gamit na kapag nasira ay di na mabubuo ulit, kapag tunay mong minamahal ang isang tao, awtomatiko kang nagiging plastic… Kahit ilang ulit ka niyang saktan, mamahalin mo pa rin siya at magtitiwala ka pa rin sa kanya. Magbibigay at magbibigay ka ng ilang ulit na tsansa. 

Mas matagal ang buhay ng plastic kaysa porselana. Hindi ko sinasabi na hindi nasisira ang plastic. Nasisira din ito after ilang effort sa pagbato. Pero kung ikukumpara mo sa babasagin, mas matagal ang buhay ng isang pusong plastic kung magtiwala at plastic magmahal. 

Hindi pagiging tanga ang isang plastic. Dahil sa panahon ngayon na uso ang reuse at recycle, ang pag-ibig ay hindi rin dapat sinasayang. Hindi lahat ng tao ay may natatagpuang forever. Kaya mas okay na subukang i-reuse at i-recycle ang pagmamahal mo bago mo itapon ito, bago ka sumuko sa taong mahal mo. 

Putaragis. 

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s