Para sa kabataan ngayon…

BABALA: Mahaba ito.

Para sa lahat ng kabataan (especially ang mga nag-aaral pa) na feeling nila KONTRABIDA ang mga magulang nila tuwing pinipigilan sila mag-boyfriend, gumala or whatever. Feeling niyo na dinidiktahan kayo kung ano oras kayo uuwi at iba pa.

Kakatapos lang ng group sharing namin, facilitator ako. Lahat sila ay nanay at tatay na may problema sa anak. Realization ko lang, maswerte ang mga anak na may mga magulang na gagawin ang lahat para sa kanila. Hindi ko nilalahat. May mga magulang din naman kasi na masasama.

My point is, bawat patak ng luha ng mga nanay at tatay na naglabas ng sama ng loob sa harap ko, handa silang ibuhos lahat ng water content ng katawan nila para lang mapabuti ang kalagayan ng mga anak nila.

Wala tayong karapatan magreklamo, o magmalaki. Dahil habang sila pa ang nagpapakain at gumagastos sa atin, walang-wala ang hirap na nararanasan natin sa pag-aaral, sa barkada o lovelife, kumpara sa DINANAS nila para maibigay sa’tin ang gusto natin at ang buhay na mayroon tayo ngayon.

Some of them gave up their dreams just to be a better parent. Ang iba,  nangungutang para may pang-tuition ng anak na kinukupit lang pala at ipinanlalakwatsa; nagtatrabaho sila ng mabuti para makapagtapos ka ng pag-aaral pero bigla kang uuwi na buntis ka na pala; binigyan ka nila ng tiwala na mag-aaral ka pero nang akala nila na gagraduate ka na, malalaman nila na nagbulakbol ka lang pala.

Masakit ‘yan para sa kanila. Hindi dahil nahirapan sila para maibigay ang lahat ng kailangan mo, kundi dahil nasasaktan sila na ginawa mo iyon sa sarili mo.

Hindi ba makapaghihintay ang paglalandi mo? Hindi ba pwedeng saka mo na lang bilhin ang mga gusto mo kapag sariling pera mo na ang ginagasta mo? Hindi ba puwedeng ilaan mo muna ang oras sa pag-aaral mo habang ginagawa nila lahat para mabigyan ka ng edukasyon?

Maswerte ka dahil kahit mahirap ang buhay niyo, pinipilit nilang putulin ang siklo ng kahirapan sa pamamagitan ng pagtustos sa pag-aaral mo. Ang iba, nag-aaral habang nagtatrabaho. Ang iba, titigil muna para makapag-ipon para may ipang-tuition.

Alam ko kapag mabasa mo ito, magiging defensive ka. Sasabihin mo na mas okay nang mabuntis at panindigan kaysa naman ipalaglag ang anak. Mas okay nang magkamali at matuto kaysa magkamali na lang at hindi makabangon. Gagraduate ka rin naman pagkatapos mong i-enjoy ang pagbubulakbol. TAMA KA. Tama ang rebelde mong isip sa mga defensive mong sagot. Pero tandaan mo, in the first place, may choice ka.

Noong oras na gagawa kayo ng baby ng jowa mo, may choice ka kung papayag ka ba o hindi. Noong inaaya ka ng barkada mong magbulakbol, may choice ka kung sasama ka o hindi. Noong tinatamad kang mag-aral, may choice ka pa rin kung susundin mo ang katamaran mo o magsusumikap ka.

Hindi paurong ang edad ng mga magulang mo. Habang sinasayang mo ang panahon mo sa pagsira ng buhay mo, nasasayang ang buhay nila na sana maginhawa sa piling mo.

Ako? Hindi ako nagmamalinis. Nagbulakbol ako. May mga nagawa akong sisira sa tiwala ng mga magulang ko. Pero nang makita ko ang pagmamahal nila sa akin… when I started to see them as my ally and not my enemy, pinagbuti ko ang buhay ko. Nasasagot ko rin ang nanay ko. Napapaiyak ko pa nga. Kaya hindi ako magmamalinis dito.

Lahat tayo dito, even me, ay dapat magbago. Pero simulan mo, bata, sa sarili mo. Tanggapin mo na ang mga magulang mo ay BIDA rin sa kuwento ng buhay mo. Your success is their success, too. 🙂

Bato-bato sa langit, tamaan, sapul.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s