MRT Ride Of Your Life

LAST YEAR, I can definitely say that I became a pro rider of LRT 1. However, since June of this year (2015), I left behind that road and began taking the road travelled by many (mga times two ng taong sumasakay sa LRT. haha).

EDSA, which is the most jam-packed highway in my dictionary, became my everyday best frenemy. Our office was transferred to Boni Avenue and I am from Caloocan City. That means I have to travel for hours from North to South every freaking single day of my life.

Hindi ko kayang isulat ng buong Ingles kaya’t Tagalog na lang. HAHAHA. Agosto naman ngayon – Buwan ng Wika.

As I was saying, I left behind Rizal Avenue and went away with EDSA. Marami pa rin namang paraan para pumasok ako sa trabaho. I can take a bus from Balintawak straight to Boni Avenue or ride a bus then go down at MRT North Avenue Station to ride the train. Kung sa umaga lang, itinatak ko na sa buhay ko na hindi ako sasakay ng MRT. Nakakagising naman kasi ako ng maaga para mag-bus hanggang sa office. Fully airconditioned buses naman ang sinasakyan ko at usually, mababango ang mga pasahero sa umaga kahit pa nagsisiksikan sa bus.

Iyon nga lang, sa hapon, para mas mabilis na makauwi ay sumasakay ako ng MRT to North Avenue Station. Kung ang bus travel from office to Balintawak ay tumatagal ng 2 and a half hours, ang MRT ay beinte minutos lamang. Kung isasama na rin pati ang paglalakad ko at pag-aabang ng jeep o bus hanggang sa kanto namin ay aabot ako ng isang oras. Okay na iyon kumpara sa 2 and a half hours na para akong umuwi sa aming probinsiya.

But enough of that. You get my point. Gusto ko lang namang i-share sa inyo ang observations ko sa loob ng MRT tuwing ako ay sakay. Kasali na rin pala ang pagpila muna sa platform.

MGA BAGAY NA GINAGAWA NG MGA TAO HABANG NAGHIHINTAY NG TREN:

  1. If you are in a group, mostly you will spend the time chatting with your friends. Pero…
  2. Kung ikaw naman ay nag-iisa, COC na lang, kinig sa music o ‘di kaya naman ay Facebook, text, basa ng e-book or Wattpad stories. Usually 5-10 minutes ang pagitan ng pagdating ng mga tren sa hapon kaya tiyak kong makaka-attack ka pa sa War kung sakaling hindi ka nakasakay sa kaaalis lang na train.
  3. May mga mag-jowa na super-PDA sa platform. I will not elaborate this one. Nauumay ako.
  4. May dalawang uri ng magkakaibigang nagkukwentuhan. Kapag tahimik ang kuwentuhan, kadalasan may pinag-uusapang masinsinan o kaya nakikipagtsismisan. Kapag naman super lakas ng boses at tawanan, mga estudyante ‘yon na walang care sa makakarinig sa istorya ng buhay nila. Walang poreber mga bata! Tigilan niyo ‘yan!
  5. Mayroon din namang mga patiently waiting passengers na talagang nakatayo lang sa pila, kipkip ang bag, patingin-tingin sa paligid, pasulyap-sulyap sa mga nagkukuwentuhan o nagpi-PDA o sa relo nila o nakikibasa sa selpon ng may selpon!!! Privacy naman oh! LOL
  6. Dalawang klase ang mga patiently waiting passengers. Una ay ang katulad sa number 5. Ikalawa naman, iyong madaling madali. Usually sila iyong wala nang choice kundi maghintay ng train dahil may lakad sila at mas madali silang makakarating sa patutunguhan kung hihintayin ang tren kaysa magbus. Kadalasan nilang dialogue, “Tsk! Punyeta naman ang tagal, oh! Late na ako sa lakad ko!” Take note, pabulong iyan. May iba na sa sarili lang iyan sinasabi. May iba naman na lilingon pa sa katabi. Feeling close lang ‘teh?

So kung may nakalimutan pa ako, idagdag niyo na lang. Dumako naman tayo sa…

MGA KLASE NG EKSENA SA LOOB NG MRT (Take note po! Eksena tuwing hapon lang ito dahil tuwing hapon lang naman ako sumasakay ng MRT):

  1. Siksikan. Hindi MRT ang MRT kung maluwag. Tandaan mo ‘yan. Kaya nagtatawanan sa loob ng tren ang mga pasahero tuwing may mag-aamok at magsasabing, “Ang sikip naman! Pa-usog nga ng kaunti diyan!” HAHAHAHA. Ito ang unang pumapasok sa isip ko kapag nakakarinig ako ng ganyan na marahil ay naiisip din ng iba, “Heller?!!!” ‘Yan lang. Sarcastic. HAHAHAHA. Parang tanga kasi ‘di ba? I will not elaborate this one. Nakakairita eh. HAHAHAHAHA.
  2. Mga magkakaibigang sobrang lakas ng kuwentuhan. Magmula sa pila hanggang sa loob ng tren, dinig na dinig mo ang istorya na pinag-uusapan nila. Ako, kapag nakakatawa ang usapan, natatawa rin ako kahit na hindi ako kasali. Wala lang. Hahahaha.
  3. Mga mag-jowang nag-PDA sa pilahan na sobrang magyakapan sa loob ng MRT. Infairness sa mga lalaki, niyayakap nila si babae para protektahan at para hindi mapahiwalay. Pero juice colored naman po! HAHAHAHA. As in sobrang yakapan na at natutuwa sila na nasa MRT sila. Naiisip ko tuloy, baka ilegal pa ang kanilang relasyon at sa MRT lang nila naipapadama ang pagmamahal sa isa’t isa kaya doon lamang nila niyayakap ang bawat isa. HAHAHA. Duh?
  4. Didikitan ka ng matigas, bumubukol sa likod mo o ‘di kaya ay malagkit. Oh, isa-isa. Bilang isang babae, tanggap ko na dahil siksian sa MRT, iba’t ibang parte ng katawan ng tao (babae at lalaki) ang madidikit sa likod at harap ko. Sadyang may bagay na matigas at mabukol minsan na wala kang magagawa kundi tiisin hanggang sa susunod na istasyon. HAHAHAHA. Malagkit. Kapag pawisan ang pasahero, wala ka namang choice kundi mapadikit sa kanya. Mag-alcohol ka na lang pagbaba mo. HAHAHAHA
  5. Mabaho, walang hangin, bawal umutot. Ang huli ang isang unwritten batas sa mga taong sasakay sa MRT. Utang na loob, huwag umutot. Because when that happens, OMG! Depressing. 😦

Lahat ng bagay na ito ay tiyak kong naranasan mo na kung ikaw ay palasakay ng MRT. Hindi man palaging maganda ang biyahe mo, minsan naman ay lumiliwanag ang mundo mo lalo na kung…

  1. Kapag guwapo o maganda ang kasiksikan mo. Mabango at tipong ikaw pa ang mahihiya dahil hindi ka fresh.
  2. Kapag hindi kaguwapuhan o kagandahan pero mabango. Take note, tuwing hapon na makikipagdigmaan ka sa MRT, heaven na kapag mabango ang kaharap mo. Hindi mo na titingnan pa kung may face o wala.
  3. Kapag skip train ang nasaktuhan mo, malaki ang tyansa na makakaupo ka. Pero kung hindi naman aabot sa kapasidad ng upuan ang pwet mo, maaari ka pa ring pumili ng lugar kasi medyo maluwag pa.

Sa ngayon, ‘yan pa lang ang mga pumapasok sa isip ko. Pero who knows? Sa pagtatapos ng taon ay madagdagan ang mga bagay na ‘yan. – Certified Train Lady

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s