Not the Usual “More Fun in the Philippines”: LRT Ride – More Fun in the Philippines

Masikip, sikisikan, nakaka-init ng ulo, nakakainis, mabaho, mahaba ang pila, nakakangawit, maraming bastos at nanghihipo pero pinagtiya-tiyagaan ng karamihan dahil mabilis. Ito ang palagi at kadalasang reklamo ng bawat taong sumasakay sa LRT araw-araw.


LRT!

Ako, hindi ako madalas sumakay ng LRT. I am from Bagong Barrio, Caloocan and everyday I travel from there to Port Area, Manila for work. One and a half hour is not enough to travel given the heavy traffic at Rizal Avenue every rain-or-shine day. I usually and most of the time ride a jeepney from Monumento to Pier 15 and it costs sixteen pesos (P16.00). I do that to and from work. Very easy, yeah? However, my travel every single day is a struggle, a battle of push and pull with my co-passengers. Una-unahan kumbaga. People in Metro Manila exercise Gender Equality. Mapa-jeep o LRT o MRT o bus, walang lalaki o babae. Tumayo ang mahuling sasakay. But, there are still men with generous hearts. They will lend you their seat. Awww! Pero napansin ko lang, ang boys napaka-magalang sa matatanda. However, kung ka-edad nila, mahahati sa dalawang dahilan ang rason kung bakit nila papa-upuin o hahayaang tumayo ang mga babae: panget ba o maganda? Hahaha!

So, mabalik tayo sa LRT. Kagaya ng mga normal na araw, nag-jeep lang ako papasok sa opisina namin. Pero dahil may hahabulin akong birthday pag-uwi ko, nag-LRT ako para mas mabilis akong makaabot sa kainan. Kapag jeep kasi, aalis ako ng 5:15 PM sa office, dumadating ako sa bahay ng 7:30 PM. Tagal ‘di ba? Pero pag-LRT, aalis ako ng 5:15 PM, dumadating ako ng 6:30 PM. Kailangan ko nga lang pagdaanan ang karumaldumal na digmaan sa pagpila at pagsingit sa LRT.

Ngayong araw na ito, kahit mainit at malagit ang pakiramdam, nakakapawis at maraming mabahong kilikili sa paligid, nakangiti ako sa loob ng LRT. Ang dami kasing nakakatuwang pangyayari na hindi mo ma-a-appreciate kung isa kang tao na palaging nagmamadali, walang thrill sa buhay at GRUMPY. Siguro sa ilang daang kasabay ko sa pagsakay sa LRT kanina sa Central Terminal Station, kaunti lang ang MASAYA at nakapansin sa mga naganap sa paligid.

BUYING TICKET


Mula sa SM Manila, naglakad lang ako hanggang sa station ng Central Terminal. First time kong sasakay ng LRT through this station dahil palaging Carriedo ang baba ko. Anyway, pagpila ko sa bilihan ng magnetic card, given na hapon na at rush hour, nakakatuwa na maraming commuters ang nagsasabi ng “Thank you!” sa kahera kahit nakabusangot sila. Nakakatuwa lang tingnan at marinig. But infairness sa ibang kahera, nakangiti sila. Naisip ko tuloy, kung ‘yun ang trabaho ko, ngingiti ako sa bawat bibili. Kasi naka-upo lang naman ako sa loob ng booth at malamig pa sa loob niyon. Kung susungitan ko pa ang bawat bibili sa akin ng ticket, aba, lalong iinit ang ulo nila. Hahaha! Ngiti-ngiti din ‘pag may time!

QUEUE


Dahil 5:30 at rush hour, nakakamatay na pila ang inabutan ko. No choice. Pumila ako. I am very proud of the Lady Guard na naka-assign dahil again, given na hapon na at maraming tao, mainit at nakaka-init ng ulo, naka-smile siya at talagang energetic pa! And talagang hinahanap niya ang mga senior citizen, buntis at mga may kargang baby para paunahin. Nakakatuwa rin kasi mapagbigay ang mga tao. ‘Di ba?

Lumipat kami sa kabilang pila dahil nag-move na ang unang batch na papasok sa mismong waiting area ng train. May nakuha si Lady Guard na ticket sa sahig. So dahil nakapila kami at nasa bandang hagdan siya, sumigaw siya ng nakangiti at itinanong kung kanino ‘yung card na ‘yon. Pinaliwanag pa niya ang consequences at kung magkano ang babayaran sa kabilang station kapag walang dalang card kahit alam na alam na ‘yon ng mga tao. Then, may nagtaas ng kamay na estudyante. Sa kanya ‘yung ticket. Nag-joke-joke pa si Lady Guard kaya over sa tawa lahat ng nakapila. Nakaka-relax lang. Very jolly si Lady Guard kahit ganoon ang situwasyon sa station. Sa Pilipinas lang may Lady Guard na nakakapag-patawa ng ilang daang nakapila sa LRT. Good job, ate!

Picture from PhilStar. HAHAHA.

QUEUE AGAIN


Nakatayo na ako sa mismong platform ng train. Apat na train ang dumaan bago ako nakasakay dahil sobrang daming tao. Hindi na ako pumila sa Female Area dahil maraming tao at masusungit ang mga girls. Maapakan mo lang ang paa, kahit mag-sorry ka, bubulung-bulong pa na akala mo maluwag ang train at may choice kang mamili ng ibang paa na matatapakan. Hahaha! ‘Kainis ‘di ba? Akala mo, siya ang may-ari ng LRT? Hahaha. Anyway, napansin ko lang. Nag-uunahan ang mga tao sa pagsakay. May bababang tatlo, may sasakay na sampu. Sardinas talaga! Pero NAGTUTULUNGAN ang mga tao para makasakay. Alam mo kung pa’no? Hahaha. Usually, hindi sumasara ang pinto ng train kapag may naiipit. Pero dahil makulit ang mga Pinoy, ipipilit ang sarili. SHRINKING PINOYS ang tawag ko sa mga taong kasya sa LRT kahit mukhang hindi na talaga kakasya. Magic! Ganito kasi ‘yong napansin ko kanina, kapag pasara na ‘yung pinto at may nakabitin sa pinto ng train, it’s either may mga tao sa labas na magtutulak sa nakasabit papasok sa train or may taong hihila sa loob ng train para ma-flat sa train door ang nakasabit. Amazing ‘di ba? Hindi lang BAHAY ang pinagtutulungang buhatin sa Pilipinas, pati TAO rin ay pinagtutulungang makasakay sa train para sumara ang lecheng pinto. Amazing talaga!

SMOOTH, FAST, LRT RIDE


So nakapasok na ako sa LRT at nag-wiggle-wiggle para makarating sa gitna. Usually, you don’t need safety handrails during rush hour because literally, YOU CAN’T DROP A COIN BETWEEN PEOPLE. Hindi na gagalaw ang mga tao kahit magpa-tambling-tambling pa ang train. SIKSIK NA KASI. And it always amazes me. Wala bang weight limit ang LRT or MRT? Ang galing!

Then while aboard, you can enjoy and busy yourself doing one or multiple things. In that way, you can cool down (lalo na kung mainit ang ulo mo), ignore funny smells (lalo na kung may putok sa kanan at kaliwa mo), and just be happy on the ride home. Here are some of the things you can do while waiting for your stop:

  1. Listen to music. Which I did, by the way. It took me just 9 songs to arrive to my destination. Kanina, ang laman ng playlist ko from Central Station to Monumento Station ay ang mga sumusunod:
    1. This Love is Like – Toni Gonzaga
    2. This is How We Do – Katy Perry
    3. Stay With Me – Sam Smith
    4. Sa’Yo – Silent Sanctuary
    5. Really Don’t Care – Demi Lovato
    6. Love Runs Out – One Republic
    7. Maps – Maroon 5
    8. Amnesia – 5 Seconds of Summer
    9. Ain’t it Fun – Paramore
  2. Read an E-Book. Na-tempt akong ipagpatuloy ang pagbabasa ko ng Fifty Shades Freed. Hahaha! Kaso, na-conscious ako kasi baka sabihin ng katabi ko, pervert ako. HAHAHA! And, ingatan lang ang kagamitan dahil baka may mandurukot sa tabi-tabi.
  3. Play games. Candy Crush, PvZ, Clash of Clans, Snake, Tetris, Flappy Bird, etc. Pang-aliw. Natutuwa ako kapag nakaka-level up sa Candy Crush ‘yong katabi ko. Hahaha! Nakiki-nood ako. I was fighting the urge to help him kasi medyo matagal siyang mag-move ng candy. Hahaha!

Patalastas:

“Hindi porket nagpapakita ng motibo, ilalabas mo na ang embotido.”

HAHAHAHA! Nakikinig kasi ako ngayon sa YES FM. Natawa lang ako bigla nang marinig ko itong advice ni Kuya Chico. Hahaha.


  1. Surf the net. Although hindi wi-fi ang LRT, may Data Connection naman. Free FB, Twitter, Instagram… alam mo na.
  2. Sleep. Kung malayo ang pagitan ng istasyon na pinanggalingan mo at pupuntahan mo, tulog ka muna. Pero make sure na secured ang gamit mo at make sure na naka-upo ka! Mahirap yatang natutulog habang nakatayo. (Patawa! Hahaha!)
  3. Chikka with friends. Kung may kasama ka magbiyahe, go! Chikka to the max. Pero kung kagaya kong nag-iisa, pili ka na lang sa 1-5. Hahaha!
  4. Bahala ka na sa iba pa.

DESTINATION, AT LAST!


Oha! Nakarating ako ng 6:30 sa Monumento. Then I still have to go to my niece’s house to celebrate her birthday. KAIN. KAIN. KAIN.

Along the ride, hindi ako na-bored. Well, kanya-kanya lang naman iyan ng attitude towards things. Kung hindi ka optimistic or good-on-positive-thinking person, hindi ka mag-eenjoy sa pag-uwi at pagsakay mo sa kahit anong sasakyan. Sabi nga, 10% of the things and situation around you is beyond your control. You own the other 90%. So, nasa sa’yo talaga kung makikita mo ang good things around you ooooorrrr i-te-take for granted mo ang mga simple and unnoticeable happenings around you. Be happy always! It is REALLY MORE FUN IN THE PHILIPPINES! LRT tayo!!! HOHOHO.

PS: To the wonderful and jolly Lady Guard, thank you for making us laugh and enjoy the long and winding queue. HAHA! Mabuhay ka, ate. Mabuhay ka! 🙂

AMAZING LRT LADY GUARD. MORE FUN IN THE PHILIPPINES!

-linya101-

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s