Siguro kaya ako si LINE…

Sabi kasi “A LINE is composed of million tiny dots.

Parang AKO. I’m composed of different experiences, made up of million cells, nurtured by many people. Marami akong topak. Maraming nilalaman. At ang lahat yun ay bumubuo sakin.

Sabi rin, “LINE is infinite.”

Parang AKO. Walang katapusan ang kagustuhang matuto. Walang hanggang kagustuhang magmahal, mahalin at makasaksi ng magagandang bagay.

There are different types of LINE.

STRAIGHT LINE. Siguro dahil consistent ako sa ibang pananaw ko sa buhay. At isa na ang pagiging straight na babae (kahit maraming ang first impression sakin ay tombys). Straight ako sa pananampalataya ko sa Diyos. Straight ako sa pagmamahal sa pamilya ko. Straight ako sa pagtupad sa mga pangarap ko. Straight akong mayabang. Hahaha!

CURVE LINE. Pero di ako laging diretso. Marami rin akong liku- liko. Minsan nga nagbubuhol buhol na. Labu-labo na. Nakakalito rin. Maraming kagaguhan na hindi alam ng mga magulang ko. Hahaha! Maraming kasalanan na pinagsisisihan ko pero gusto ko pa din gawin. Anyway. Hahaha!

BROKEN LINE. Right now, eto ako. Hindi dahil broken hearted ako. Broken lang. Kasi putol putol ang mga desisyon ko. Hindi ako sigurado. Hindi ako buo. Well, bukod sa wala akong lovelife. Marami rin kasi akong gustong gawin pero hindi ko alam kung papano masisimulan. Broken.

PARALLEL LINE. Yan ang lablayp ko. Kahit kelan yata kasi hindi kami magtatagpo. Walang chance magmeet at certain point. Magkasabay naming mahal ang isa’t isa. Pero laging maling panahon. O kaya yung mga crush ko. Talagang pang parallel lang kami. Hahaha!

Ayun! Kaya siguro ako si Line. Kasi ako talaga yun. Now I know why. Pero alam mo? Isa lang ang di magbabago eh… Line is amazing. So amazing that it can make different shapes out of itself. Parang AKO. Kaya ko naman lahat. Kasi biniyayaan ako ng Diyos ng maraming kakayahan. Pagdating ng panahon, magagamit ko lahat ito para makagawa ng maraming magagandang bagay at magagandang gawa para sa iba. Kaya ko to.

Ako si Line. 

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s