Kilala mo ba si Ted Hannah?

Do you know Ted Hannah? If yes, proceed to point B. If no, proceed to point A.

A. Click video above. Parokya Ni Edgar’s Ted Hannah and LISTEN to it. FEEL it.

B. So fan ka ng PnE? Ako rin. Dahil tama si Chito Miranda. Wag mong sayangin ang pagkakataong binibigay ni Ted para maging masaya ka… Para maging masaya kayo.

UNA. WAG MAG-INARTE.

Kung ayaw mo, dapat ayaw mo talaga. Hindi na uso yung “No. Thanks!” pero deep inside pinapanalangin mo na pilitin ka niya. Lalo na kung gusto mo rin naman pala. Don’t waste time or even a second to experience that moment when you meet happiness. Kasi si Ted, kung kelan enjoy na enjoy ka… Saka niya babawiin lahat. Kung kelan masaya ka, saka siya biglang liliko hanggang sa di mo na alam kung masaya ka pa ba sa rollercoaster ride o nasusuka ka na.

IKALAWA. MABUHAY KA NGAYON.

Hindi mamaya. Hindi bukas. Hindi kahapon. Dapat ngayon. Ang nangyayari kasi… PANGARAP MONG MAGING MISIS o MISTER NIYA. Kaya ginagawa mo, overprotective. Kung maka check ng telepono daig pa CIA AGENT. Akala mo cellphone mo. Kung maka bawal umin0m, gumimik at makipagkaibigan sa iba, akala mo kayo lang tao sa mundo. Ano ending? Nasasakal yung isa. Nagsasawa. Nag-break kayo kasi ayaw niya ng ugali mo. O asan na yung ASAWA mo? Nawala. Kasi nabuhay ka sa hinaharap. Masyado m0ng ginusto. Ayan. Ikaw rin ang nawalan.

Kung mabubuhay ka NGAYON, no pressure… Nagmamahalan kayo. Sakto lang. Kasi you are enjoying the moment.. You’re enjoying what’s happening RIGHT NOW. Nagegets mo ba ako?

IKATLO. HULI NA. MAGING MASAYA KA MUNA SA SARILI MO.

Wag mong iasa sa kanya ang kasiyahan mo. Dahil malay mo, kunin siya ni Ted sayo? Edi wala nang kwenta buhay mo? Ganun? Remember that YOU CREATE YOUR OWN HAPPINESS. No one and nothing can be your source of happiness but yourself.

Alam ko namang gulong gulo ka. Pero alam ko ring naiintindihan mo. Dahil kahit lahat tayo tanga pagdating sa pag-ibig, ginawa pa rin tayong matalino ng Diyos sa ibang bagay.

Sige na. Good night.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s