May Topak ang Tadhana

Ang laki ng amats ng tadhana. Di ba?

Pag ayaw mo, gusto niya. Pag gusto mo na, ayaw na niya. Tas pag pumayag na siya, napagod ka na. Tapos mag-eexplain siya. Tas magiging okay kayo. Tas biglang ayaw na ulit niya. Tas ayaw mo na rin.

O di kaya.

Mas matanda siya. Natural mas bata ka. Tingin ng iba hindi kayo pwede kasi age gap niyo malaki. Kahit ipagdikdikan na “Age doesn’t matter.” ang sasabihin lang sayo, “Makakahanap ka pa ng mas ka-level mo.” o di kaya kakasuhan pa ng child abuse yung partner mo.

Eh bakit kasi?

Tuwing may crush ka, hindi niya alam na gusto mo siya. Tas pag nalaman niya, mag-iiwasan kayo na parang di magkakilala. Tapos may crush din pala siya pero HINDI IKAW. Kaya gagawin mo, isipin mo na lang na may crush ding iba yung crush niya para quits na kayo.

Pwede naman kasing…

Gusto mo siya. Gusto ka niya. Okay sa parents niya, sa kapatid niya, sa tito at tita, sa lolo’t lola, pati na sa aso’t pusa. Okay sa parents mo pati buong barangay niyo. Edi wala sanang problema.

Pero bakit kasi parang hindi naman ganyan?
Bakit parang naglalaro lang yung may hawak sa bolpen ng tadhana na nagsusulat ng bawat kahihinatnan..

Minsan naisip ko, siguro yung WRITER NG MGA LOVE STORY natin ay walang eraser o liquid paper (yung snowpeyk!) … Kasi kung meron siyang pambura, hindi na kailangang magkamali ng mga pag-ibig dito sa mundo. Bago pa mangyari, naitama na sa script. Gets mo be??

Anyway wala akong pakialam. Buti nga wala siyang pambura eh. Kasi baka lahat ng tao walang maramdaman. Wala nang distinction ang SAYA at LUNGKOT kasi lahat ng tao nakukuha ang gusto at tama na lahat. Kumbaga PERPEK. Eh anu pang papangarapin mo kung perpekto na lahat? Ano pang saysay ng buhay mo?

Kaya naisip ko rin…

Tama ang tadhana tuwing nagbibigay siya ng mali. Tama ang tao tuwing pinipili rin paminsan minsan ang mga baluktot na daan. Tama rin minsan kung mas pipiliin mong masaktan, magkamali, maging gago, maging loko at basta… Tama yun. Kasi TAMA LANG NA MALAMAN NATIN ANG MALI. PARA ALAM NATIN KUNG ANO ANG TAMA.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s