Isang Linggong Pamumundok

Hay! Friday na. Bababa na ulit kami sa kapatagan. Almost 1 week rin kami dito sa bundok. Lalo kong minahal ang mga bata dito, yung mga Aeta na kasama namin, at yung mga volunteers para sa Peace and Order.

Ilang araw din kaming kabado pag matutulog dahil may pinatay dito. As in. Nakakatakot kasi open space itong lugar na tinutulugan namin. The killer could come anytime. Talagang dasal at tiwala sa mga Aetang kasama namin ang sagot para makaraos kami sa gabi. Gosh!

Thank you sa mga tanod, kay Kuya Joseph na magdamag kaming binantayan dito sa tulugan… Kila Kuya Miguel na dumayo pa para magronda dahil katabi lang namin yung lupain nung killer at pwedeng magtago siya dun.

Sa mga bata, kay Mulan, Ricky at dun sa isa pa. Thank you. Kahit di niyo kami kayang ipagtanggol, basta ma-feel lang namin na may kasama kami ay okay na.

Salamat din sa pag-aalala nung iba pa dito na hindi ko papangalanan. Marami sila. Thank you po mga Tatay at Nanay.

Saming Apat, Jean, Shiella at Mama Neth, walang iwanan. Sabay- sabay pa rin talaga tayong tatakbo at magpapagulong-gulong basta makaligtas lang sa bakbakan ng mga nagpapatayan dito.

Higit po sa lahat, Lord, thank you. Sa ganitong panahon, ramdam na ramdam kita. Mahal kita sobra. Salamat po ng madami.

Ganda ng BUHAY! Ba’t kasi nauso ang baril? Tsk.

Hay. Napaka kakaiba nitong experience namin pero nagpapasalamat pa rin ako dahil naranasan ko ang ganito. Marami akong natututunan. Marami akong nagiging kaibigan. Mahirap na masarap ang trabaho namin. At the end of the day, masaya pa rin dahil may natulungan kami kahit papano. Pag ganito naman eh, lalo kong mamahalin ‘to.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s